XIX. In The Eyes of Espada part 2

394 17 14
                                    

Update, update!!! May photos na para sa Seven ng Espada! Check back a chapter para makita niyo sila Asia, Frost at Tala! Enjoy the chapter! :)



***Espada Christmas' POV***

["See you all there in twenty minutes."] Narinig ko ang pag-arangkada ng sasakyan sa linya ni Asia. Siguradong ang hayok sa pagmamanehong si Frost ang tao sa manibela.

"Kahit kailan, sobrang daldal mo talaga!" Pagtaas ng boses ko kay Eve. Tinignan ko siya at nakita kong nakamasid lang siyang mabuti sa lugar kung saan nanggaling ang sangkaterbang myembro ng Lobo na bumulaga sa amin kanina. Lagi na lang siyang ganyan- deadma sa galit ko.

"'Wag kang sumigaw, mas lalakas ang pagtagas ng dugo sa tiyan mo kung sisigaw ka pa. Sino ba kasi'ng nagsabi na tulungan mo ako, Chris-"

"Ilang milyong beses na ba natin napag-usapan ito, Eve?! Hindi lang tayo magkapatid, kambal tayo! Hindi pwedeng may mawawalang isa."

"Walang mawawala kung hindi ka ume-epal sa laban ko."

"Ano'ng sinabi mo?! Ume-epal?!" At napahawak ako bigla sa malaking hiwang tinamo ko mula sa bwisit na myembro ng Lobo na 'yon. Aaminin ko, sobra na ang pagkirot nito at hindi na nababawasan ang paglabas ng dugo mula rito kahit na tinalian na ni Eve ito ng tela mula sa damit niya. Pumikit na lang ako at pinakiramdaman ang paligid.


Anim na taong gulang lang kami ng mahiwalay kami sa aming pamilya. Dinukot kami ng isang sindikato mula sa eskwelahang pinapasukan namin at dinala kami sa siyudad para mamalimos at magnakaw. May ilang katulad namin ang nagtangakang tumakas, pero nahuli rin sila, at sa bandang huli ay pinatay din. Gustuhin man naming tumakas at umuwi, hindi namin magawa iyon dahil alam namin ni Eve kung gaano kahalang ang kaluluwa ng sindikatong kumokontrol sa amin.

Isang taon pa ang lumipas at naging bihasa na kaming dalawa sa ginagawa namin. Naging paborito kami ng lider ng sindikato dahil sa linis naming magtrabaho at sa dami ng naiuuwi namin sa kanya araw araw. Hindi namin gusto ang ginagawa namin, pero wala kaming magawa. At sa isang misyon namin nakilala ang Espada.

"Nakawin niyo ang Aphrodite's Statue na ililipat mula sa City Hall papunta sa National Museum." Utos sa amin ng lider ng sindikato.

"Marami pong bantay na pulis doon." Pag-alma ko.

"Alam ko. Kaya nga mga batang paslit ang ipapadala ko, para hindi sila maghinala! Ano, Christmas, hindi mo ba kaya?! Alam mo na ang mangyayari kung hindi kayo susunod ng kapatid mo sa akin!" Nakita ko ang paghawak niya ng mahigpit sa leeg ni Eve. Mas matanda man siya sa akin ng limang minuto, pero para sa akin, responsibilidad ko ang protektahan siya.

"Gagawin po namin."


Matagumpay naming nakuha ang estatwa ngunit naharang kami ng ilsang kalalakihan nang lalabas na kami ng City Hall. Mga lalaking naka-itim na damit at may mga dalang espada. Siguradong hindi sila taga-City Hall o taga-National Museum. Napatitig lang ako sa kanila at hindi ko mapigilang hindi humanga.

"Bata, hindi laruan ang isang iyan. Ibigay mo na 'yan sa amin para walang masaktan."

"Sa amin ang estatwa!" Narinig kong sigaw ni Eve sa isang lalaki at agad niya akong hinatak palayo sa kanila. Tila napuno ng ulap ang utak ko at hindi ako makakilos ng tama. Mabilis din silang kumilos at hindi ko na lang namalayang wala na sa mga kamay ko ang estatwa.

"Salamat, bata." Muli niyang wika.

"Christmas, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?! Bakit mo ibinigay 'yong estatwa?! Papatayin tayo ni Amo kapag hindi natin naibigay iyon sa kanya ngayon, nakalimutan mo na ba?!" Isang malakas na batok ang pumutol sa tila pagka-hipnotismo ko.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon