XXVIII. The Fifth Day Part 1

246 13 0
                                    

Kamusta? Ito na ang araw na itinakda! Ano sa tingin niyo ang mangyayari? Comment you thoughts away!

***Joyce's POV***

"'Wag ka mag-alala, Ate. Akong bahala sa bahay natin! Tatawagan kita kapag may kakaiba, pramis!" Marami pa sana akong ibibilin kay Stephen kaya lang sinaraduhan na niya ako ng pintuan at nagpatuloy na sila sa party ng mga kaibigan niya. Matagal na niyang gustong magpa-party sa bahay pero hindi siya pinapayagan ni Mama. Ngayong nasa Cebu si Mama para sa isang business trip, kaming dalawa lang ang naiwan kasama ang mga kasambahay. Hinayaan ko na siyang magpa-party ngayong gabi dahil nakatanggap ako ng tawag kanina galing kay Kuya Grey.

Bumaba na ako ng taxi at agad dumiretso sa direksyon ng Reed General Hospital. Hindi malinaw ang paliwanag ni Kuya Grey sa akin tungkol sa kalagayan ni Ate Dawn kaya nagaalala ako. Ang sinabi lang niya nahimatay si Ate Dawn sa gitna ng field bago pa man magsimula ang Capture the Flag trials. Ano kayang nangyari? Nagdasal ako ng mabilis na sana ayos lang siya.

"Excuse me po. Saan po ang kwarto ni Princess Dawn Dominguez?" Saglit na tumingin ang nurse sa computer niya at sinabi ang room number ni Ate Dawn. Nagpasalamat ako sa nurse at tinungo ang kwartong sinabi niya. Sumakay ako ng elevator at agad nakita ang kwarto kung nasaan daw si Ate Dawn. Tumayo ako sa tapat nito at dahan dahang binuksan ang pintuan.

"AAAAHHHH!!!" Agad akong napapasok sa kwarto nang marinig ko ang boses ni Ate Dawn. Dalawang lalaking nurse ang nakahawak sa mga kamay at paa niya habang may itinuturok ang sa tingin ko'y ang doktor sa kanyang braso. Puno ng gulat kong pinanood kung paano manlaban si Ate Dawn sa mga lalaking nurse na nakahawak sa kanya.

"Joyce-"

"Umalis kayo! Umalis kayo sa utak ko! Patay na kayo! Wala na kayo! PATAY NA KAYONG LAHAT!" Hindi na nagawang sabihin ni Kuya Grey ang anumang sasabihin niya dahil sa biglaang pagsigaw na naman ni Ate Dawn. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan at napakapit ako sa braso ni Kuya Grey. Hindi pwede 'to. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Basa sa luha ang mukha niya habang tinitignan ko siya.

"Ate Dawn, si Joyce 'to. Ayos lang ang lahat, Ate. Wala na sila. Wala na silang lahat." Matagal nang hindi umaatake ang sakit niya. Bakit bigla naman itong bumalik?

"Joyce!" Tumitig na siya sa akin sa wakas at humawak ng mahigpit sa magkabila kong balikat. Mukhang nakita na niya kung alin ang totoo sa hindi. "Ayaw nilang umalis, Joyce! Hinahabol nila ako... lahat sila! Nandito sila, Joyce. Tulungan mo ako, Joyce. Tulungan mo ako... Papatayin nila ako, Joyce! Papatayin nila ako..." Takot na takot siya at nanginginig ang buo niyang katawan.

"Ate Dawn, wala na sila. Walang humahabol sa 'yo, okay? Nandito ako, hindi kita iiwanan." Isang nakakakilabot na sigaw na naman ang pinawalan niya at saka siya napayakap sa akin. Tinignan ko siya pero nakapikit na siya. Hindi na siya gumalaw o nagsalita ulit.

"Gumana na ang pampatulog na itinurok ko sa kanya." Paliwanag ng doktor nang linungin ko siya. Nakahinga ako ng maluwag at inihiga na si Ate Dawn sa kama. Agad siyang nilapitan ng mga nurse para tignan ang lagay niya.

"You have to tell me everything." Bulong sa akin ni Kuya Grey.

"Pero may usapan tayo, Kuya-"

"Not about that." Napakunot ang mga kilay ko at tumitig lang sa kanya. "Tell me everything about her."

"Bakit bigla ka namang nagkainteres sa kanya?"

"We're working together, right? I just want to know para kung maulit ulit ang ganito, hindi na ako magulat." Nakita kong lumabas na ang mga nurse at ang doktor kaya naupo na ako sa sofa na katapat ng kama ni Ate Dawn.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now