VII. Decode

484 22 6
                                    

I'm baaaack! Kamusta naman kayong lahat? Sorry kung muntik ko na hindi ituloy ito pati na rin ang pagsusulat ko. Okay na ako at go na ulit ang story natin! Kaya ito na, Chapter 7! :)

PS. I have posted the one shots that I wrote during the last competition that I joined (Incognito: Battle of the Unknown), kung saan nag-fourth place ako. Sana madaanan niyo minsan. One Shots Revealed ang pangalan sa Works ko. Salamat ulit sa lahat!

***Red's POV***

"Nakita namin siya sa likod ng campus..."

"Miguel..."

"Nakaabot kami sa oras..."

"Muntik na iyon!"

"Si Carla, nawawala!"

"Ano ba'ng kailangan nila?!"

"Queenie..."

"Ang galing mo talaga, Red!"

Ang dami niyang sinasabi sa akin. Ang dami kong naririnig na pangalan, sitwasyon at kung anu-ano pa. Ang dilim ng paligid, bakit wala akong makita?

"Ang galing mo talaga, Red." It was a different voice. And the tone was... seductive.

At bigla akong nakaramdam ng mga halik sa tainga ko. Sa pisngi. Sa leeg. Teka! Naramdaman ko ang paggalaw ng babae sa tabi ko at dahan dahan ko siyang nilingon. Nagulat ako nang pumatong siya sa akin at hinalikan ako sa labi! Holy fudge! Doon ko naramdaman ang mainit niyang balat sa katawan ko. Pareho kaming walang damit! Ipinikit ko ang mga mata ko at umasang pagmulat ko ay makita ko na ang mukha niya.

Hallway? Iba na naman ito. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi pamilyar sa akin ang hallway na ito. Tinignan ko ang sarili ko at nakita kong may suot na akong damit. Hindi ko ito uniporme! May naaninag akong liwanag sa labas at agad ko itong sinundan. 

Sa hindi kalayuan, isang babae ang nakita kong nakahiga sa sahig. Nakasuot siya ng puting damit, pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatakip ang buhok niya dito. Nilapitan ko siya at doon ko nakita ang maraming hiwa at sugat sa katawan niya. May kakaiba akong naramdaman kaya binilisan ko pa ang paglapit sa kanya.

Bago pa ako makalapit sa kanya, isang babae pa ang nakita ko sa bandang unahan niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang babaeng ito. Nakaluhod siya sa harapan ng babaeng naka-puti at may hawak siyang espadang may bahid ng dugo. Humakbang ako palapit sa kanya at akmang hahawakan ko na siya sa balikat nang may mapansin akong tao sa tabi niya.

"I-Ikaw? Ano'ng gi-ginagawa mo dito?" Tumitig lang siya sa akin at tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Pareho sila ng suot ng babaeng nakaluhod sa sahig. Pareho silang may hawak na espada, ngunit ang sa kanya'y walang bahid ng dugo. Binalingan kong muli ang babaeng nakaluhod at napansin kong lumuluha siya. Biglang sumikip ang dibdib ko sa sobrang kaba. Agad kong tinungo ang babaeng nakaputi at nanghilakbot ako nang makita ko siya.

"Huli ka na." Isang pamilyar na boses mula sa babaeng matagal nang wala ang narinig kong palapit sa akin. Tumatawa lang siya habang hawak ko sa mga braso ko ang katawan ng taong importante sa akin.

"...huli ka na. Anak?" Nagising ako sa katok sa pintuan ng kwarto ko. "Anak, baka ma-late ka sa klase. Gising na." Agad akong umupo sa kama at pinunasan ang malamig na pawis sa noo ko. Panaginip lang pala. Hindi. Bangungot.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now