XXV. 3 Days [preview]

270 11 0
                                    

***Joyce's POV***



"Camp Battles? Mukhang hindi maganda ang tunog niyan, ah. Ano ba 'yon?" Tanong ko kay Kuya Grey habang nakaupo kami sa gilid ng University Field. Kasalukuyang nag-e-ensayo ang mga baguhang Valiant para sa nalalapit na Camp Battles.


"Ginaganap 'yon pagkatapos ng Confirmation Rites. Puro mga baguhan lang ang kasali, kumbaga parang initiation nila 'yon. Maglalaban laban sila sa iba't ibang larangan gaya ng basketball, volleyball, archery at table tennis. Pero may mga non-sports area rin gaya ng singing, dancing, painting at quiz bee. Pero ang pinaka-highlight ng buong Camp Battles, kung saan ko isasali si Dawn, ay ang Capture the Flag." Ngumisi pa siya pagkasabi niya noon at sabay tingin sa lugar kung saan naroon si Ate Dawn.


"Bakit naman iyon ang highlight, eh larong elementary lang ang Capture the Flag?"


"Siguro nga, larong pambata lang iyon, pero hindi rito sa Reed. Hindi sa Camp Battles. Makikita mo na lang. Manonood ka, 'di ba? I already sent a notification to your parents regarding the "overnight activity" that Reed High School has." Lumingon siya sa akin at hinintay ang sagot ko. Kailangan ko ng palusot para hindi mag-alala ang mga tao sa bahay namin habang nandito ako sa Reed at hinihintay ang mangyayari sa araw na iyon.


"Oo, manonood ako. Pero para lang magbantay sa kung ano'ng kakaiba. Iyon na kasi ang ika-limang araw. Tinignan ko na lahat ng gamit ni Queenie Arevalo, pero wala akong nakitang kakaiba sa mga iyon. Sabi rin ni Ate Dawn, wala ring napansing kakaiba ang mga kaibigan niya bago siya nawala." Naguguluhan na talaga ako sa gustong mangyari ng Espada. Bakit ang dami pa nilang pasakalye? Kung gusto nila akong kunin o patayin si Ate Dawn, dapat kami agad ang binibiktima nila at hindi kung sinu-sino.


"I'm calling back up. Alam ko hindi niyo gusto ang ideyang iyon, pero kailangan kong gawin para na rin sa kaligtasan ng lahat sa araw ng Camp Battles. It will give me some peace of mind, too." Bumuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya.


"Trust me, it won't do anything good. Baka lalong mag-panic ang mga tao kapag ginawa mo iyon."


"Don't worry, I've called the best in that field."



—-to be continued....



The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon