XVII. PLAY: Case Closed Part 2

339 18 24
                                    

Pasensiya na sa tagal ng update na ito! Ang dami ko kasing ginagawa pagpasok pa lang ng April at talagang kulang ang isang araw para sa lahat ng gawain ko. Hindi ko na tuloy naisingit ang updates. :( Isali pa ang chakaness na My Works interface, hindi ko talaga gusto ito!

Salamat ng marami sa lahat ng nag-aabang sa kwentong ito. Mabagal man ang updates, asahan niyong hindi ko ito bibitawan!

Ito na, chapter 17... pasok!



***Joyce's POV***

'One more than one is a congenial group of invited guests, but one more than two is a multitude.' Mababaliw na ako. Ang hirap talaga nito. Ano, naging mga geeks na ba ang Espada at hindi na sila lumalaban ng pisikalan? Tsk. Nakakainis!

"Jumbled words kaya ito?" Narinig kong tanong ni Ate Dawn. Hindi ko alam kung para kanino ang tanong niya, pero ang sigurado ako, hindi ko siya masasagot.

"Pwede. Pero masyadong maraming salita at parang hindi naman sila lahat konektado." Si Kuya Red ang sumagot.

"Posible kayang naglagay sila ng mga salitang panggulo lang?" Napalingon ako kay Kuya Grey. Kailan pa hiningi ang opinyon niya rito?

"Grey... Please, tulungan mo ako..." Hindi nakakatulong ang pag-iyak ni PLAY pero kitang kita na sa kanya ang pagod sa pagtayo at pagpanatili ng kamay niya na nakataas. Ang kahon na iyon ay kagaya ng kay Paulina, hindi madaling mabasag. Nandito kaya ang mga gumawa nito? Pinapanood kaya nila kami? Natutuwa kaya sila sa nakikita nila? Nakakainis. Bakit ba hindi na lang sila lumabas at umatake ng harapan?!

"We're doing everything as fast as we can, Trisha. Please, calm down." Mag-ano ba silang dalawa? Sa nakikita ko, parang si PLAY lang naman ang interesado kay Kuya Grey. Pero ano ba'ng alam ko sa mga relasyon relasyon na 'yan?

"Posible ang sinabi mo, Grey. Sa tingin ko nga, may hinalo silang salita rito para lituhin tayo." Nakatutok si Ate Dawn sa cellphone niya habang ganoon din si Kuya Red sa kabilang eskwelahan.


"P-Paano...? Paano nila nagagawa ang ganito, Red? Patay na ang mga lalaking ito. A-Alam niyo ba k-kung sino-"

"Helene, hindi ito ang oras para sa mga tanong mo. Kung hindi ka makakatulong, pwede umupo ka na lang at tumahimik?" Ang harsh naman ni Kuya Red sa kanya.

"Ate Helene..." Bilang wala na naman akong silbi ngayon, kausapin ko na lang siguro siya. "Mas makakabuti sa inyo ni Kuya Grey na 'wag nang malaman kung sino ang gumagawa nito. Mahirap... ipaliwanag. At kung bakit nila ginagawa ito? Hindi rin namin alam talaga."

"Wala naman siguro kayong atraso sa ibang tao, ano? Like mafias, gangster groups or underground organizations, maybe?" Napalingon kami ni Ate Dawn kay Kuya Grey.

"Wala kaming ginagawang masama." Matiim na sagot ni Ate Dawn sa kanya.

"Then, what are you guys? Superheroes?" Gusto kong matawa sa sinabi niyang iyon.

"We're not that noble, Grey. And please, stop asking questions so you can sneak your way inside our heads." Bumalik sa katahimikan ang lahat pagkatapos ng sagutang iyon nila Kuya Grey at Ate Dawn.

"G-Grey... Nararamdaman ko na ang init sa mga paa ko! Please... I don't want to die!" Maya-maya'y sigaw ni PLAY. Mga kalahating pulgada na nga lang ang kapal ng tinatapakan niyang bloke ng kandila. Sa oras na maubos iyon, mabibitin siya ang tutusok ang mga talim sa kamay niya na siguradong ikamamatay niya.

"We're almost done solving the puzzle, Trisha. Please, hold on." Nilapitan siya ni Kuya Grey at tumayo na lang ito sa harapan ng kahon. Sumuko na siguro siya sa pagsagot sa palaisipang iyon. Peste talaga sila! Mga baliw na Espada!

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon