XXXIX. The Risky Decision

259 10 1
                                    

A/N: Happy Halloween! Sana may nagbabasa pa nito kahit sobrang tagal ko mag-update... Hope you like this chapter! PS pls see the media box. 


***Dawn's POV***


"There you are, Sweetie! I've been looking all over for you! Well, this doesn't look like the ICU?"

"H-Helene?! A-Ano'ng ginagawa mo rito? 'Di ba sabi ko sa'yo—"

Agad lumapit si Helene sa namumulahan nang si Red at umangkla agad sa braso nito. Natulala ako ng ilang segundo dahil malayo sa nakilala kong babae ang nakikita ko ngayon. Malayong malayo siya sa iyakin at mahinang babaeng tinulungan namin noon. Ano'ng nangyari sa kanya? At ano'ng meron sa kanila ni Red?

"Uhm..."

"D-Dawn, you know Helene, right?" Halos hindi ko narinig ang sinabi niyang 'yun. Dahan dahan niyang inalis ang pagka-angkla ni Helene sa kanya at hindi siya makatingin sa akin.

"Yeah. Of course, I remember. From the Science Lab, right?" Tama na. Oras na para umalis na ako. Inubos ko lahat ng ngiti ko para sa buong araw at ibinigay 'yun sa babaeng kaharap ko."Okay. Mabuti naman at mukhang ayos ka naman, Helene. Mauna na ako sa—"

"I'm Red's girlfriend, by the way." Parang tumigil ang paghinga ko sa mga salitang 'yun. Hindi ko alam kung ano'ng ekspresyon ang nasa mukha ko ngayon. Gusto kong tignan si Red at kumpirmahin ang lahat pero parang naging estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko na lang na basa ang mukha ko ng tubig. 



Mabilis akong tumakbo palabas ng Reed Hospital at ininda ang malalaking patak ng ulan. Kasing sama ng panahon na biglang bumagsak ang nararamdaman ko. Gusto kong manuntok. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak. Gusto kong tumakbo sa walang makakakita sa'kin at mapagisa. Hindi ko maintindihan. Bakit nakakaramdam ako ng ganito? May mas importante pa kaysa sa nalaman ko, pero hindi ko na maituon ang isip ko doon. Ano ba'ng nangyayari sa'kin?

"I'm Red's girlfriend, by the way." Unti unti nang napagod ang mga paa ko pero hindi ang utak ko. Paulit ulit ko pa ring naiisip ang sinabi ni Helene. Tumigil na ako sa paglakad at sumandal sa pinakamalapit na pader. Tuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan pero hindi ko nararamdaman ang lamig na dulot nito.

"Dawn?" Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko pero patuloy pa rin akong nakatingin sa malayo na parang mabibilang ko ang mga patak ng ulan. "Oh, my God, Dawn! What the—" Naramdaman ko na lang na hinatak ako ng taong 'yon at isinuot ang jacket niya sa'kin. Sunod nun ay pinapasok niya ako sa loob ng kotse niya na agad umandar at pumasok sa gate ng Camp Valiant. Hindi ko napansing narating ko na pala ang lugar na 'yon mula sa ospital.

"Hindi namin apartment ito." Mahina kong sabi nang huminto kame sa pinakamalaking apartment sa Camp Valiant—ang apartment ni Grey.

"I'll call you tomorrow." Parang hindi niya narinig ang sinabi ko dahil ang driver ang kinausap niya. Bumaba na kame ng kotse at agad niyang binuksan ang pinto. Napahigpit ang hawak ko sa jacket na ipinatong niya sa basa kong katawan dahil nakaramdam na ako ng matinding lamig. Isang kanto lang naman ang layo ng apartment niya sa amin, kaya naisip kong takbuhin na lang ulit ito.

"T-Tatawid na a-ako. S-sige—" Inihanda ko na ang sarili ko sa konti pang lamig nang mabilis niya akong nahatak papasok sa loob ng bahay at isinara ang pinto.

"You're not going anywhere looking like that." Nakita ko ang pagtingin niya sa akin mula paa hanggang ulo. Mas hinigpitan ko pa ang hawak sa jacket nang matama ang tingin niya sa katawan ko.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon