XXXVII. Prom Memories

176 11 2
                                    

A/N: Pasensiya na kayong lahat sa sooooobrang tagal kong pagkawala! Sana nandyan pa kayo... :(



***Joyce's POV***

"I'm going crazy!" Naupo ako sa bakanteng upuan habang hawak pa rin ng dalawang kamay ko ang magkabilang bahagi ng ulo ko.

"You've always been crazy." Tinignan ko siya ng masama at sinipa ang upuan niya. Hindi ko alam kung napalakas ang sipa ko o talagang magaan lang siya dahil muntik na siyang mahulog sa sahig.

"Sorry."

"Uy, grabe ka sa'kin!Kaya mo ba talaga akong saktan?"

"Tumigil ka nga sa drama mo, Jake! Natataranta na nga ako, eh." At tumawa siya bigla ng malakas.

"Si Joyce Montilla, natataranta dahil wala pa siyang date sa Prom! Hahahaha!"

"Kapag hindi ka tumigil, hahalik ka na talaga sa sahig!" At nangalumbaba na lang ako sabay tanaw sa bukas na bintana ng silid aralan. "This is supposed to be memorable, right?"

"Oo. Eh kaso kasi... kilala ka na sa buong school dahil sa mga heroic-ninja-action star moves mo." Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Your point?"

"My point is, guys will be intimidated by someone like you. Baka mas maangas ka pa sa kanila, ganun. And guys don't like that."

Muli akong napalingon sa labas at naisip na tama si Jake. Kumonti ang mga estudyanteng nakikipagusap sa akin matapos ang ginawang pag atake ng Espada. Pati mga guro, naging ilag na rin. Parang bigla akong naging delikadong tao para sa kanila. Tama si ate Dawn. Kinukuha na ng Espada ang kabataan ko. May magagawa pa ba ako para hindi tuluyang mawala 'yon sa'kin?

"So ano, ganito na lang? Wallflower na lang ako pagdating ng Prom?" Lumapit sa akin si Jake at tinignan ako sa mga mata. Isinabit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko at ngumisi.

"Bakit kasi hindi na lang a-"

"Ako." Sabay kaming napatingin ni Jake sa taong nagsalita mula sa pintuan. "I can be your date, can't I?"


Lumakad siya palapit sa amin dala ang isang itim na bagay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napahawak na lang ako sa dibdib ko. Bakit siya nandito? Panaginip lang ba 'to? Bakit alam niya ang tungkol sa Prom? Kanina pa ba siya nakikinig? Teka... Sinabi niya ba'ng gusto niyang maging date ko? Sobrang tindi na yata ng pangangailangan ko sa Prom date at napa-hallucinate na ako. Tama. Imagination ko lang 'to. Pumikit ako at iwinasiwas ang kamay ko na parang nagbubugaw ng langaw. Mawawala ka na pagdilat ko. Mawawala ka na pagdilat ko. Mawawala ka na pagdilat ko.

"Ano'ng ginagawa mo, Joyce?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jake.

"Is that how you say 'Yes'?" Natigilan ako at sumilip gamit ang kaliwa kong mata. Hanep, nandito pa rin siya! Nakatayo na siya sa harapan ko at nakatitig lang sa'kin. Dumilat na ako at tumayo. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi, balikat at braso.

"Dapat wala ka na. Nasa utak lang kita, eh." At pareho kaming nagulat nang pisilin ko ang ilong niya.

"Joyce!" Kinuha ni Jake ang mga kamay ko at tumayo sa harapan ko. "Nababaliw ka na talaga. Hindi siya imagination, kung 'yan ang iniisip mo." At dun na ako natauhan. Dahan dahan akong sumilip sa tagiliran ni Jake at nang magtama ang mga mata namin ay bigla akong nagtakip ng mukha at yumuko sa dibdib ng kaibigan ko.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon