VI. New Scheme?

477 22 7
                                    

I finished this chapter two days ago. Nawalan lang ako ng ganang i-post dahil na-badtrip ako. At hanggang ngayon badtrip pa rin ako. Pero magiging okay din ako. Ito na po, Chapter 6! Pasensiya sa delay. 

Soundtrack: Yellow Flicker Beat by Lorde

Media Box: Joyce

***Joyce's POV***

"O-Oo, na-nandito ako. Nandito kami ni Joyce." Mahinang sagot ni Ate Dawn sa kausap niya sa phone. Siguradong si Kuya Red iyon. At may pinag-uusapan silang red note. Isang red note na wala akong kaalam-alam. Tumingin lang si Ate Dawn sa akin at parang hindi niya alam ang gagawin o sasabihin niya. "Si-Sige, bye." Their call ended but she didn't take her eyes off me. "Joyce..."

"May isa pang red note?" Dahan dahan lang siyang tumango at nagbaba ng tingin. "Bakit? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"

"Ayaw na namin na mag-isip ka pa ng kahit na anong may kinalaman sa kanila. Ayaw na namin na mag-alala ka."

"So you think I'm that weak?" I hate this. Ayokong iniisip ng iba na mahina ako. 

"H-Hindi sa ganoon, Joyce--"

"Ano ba tayo, Ate Dawn?! Ilang kaso pa ba ang kailangan nating lutasin? Ilang tao pa ba ang kailangang mamatay? Ano pa ba'ng kailangan kong gawin para pagkatiwalaan niyo ako sa mga ganitong bagay?!" I didn't mean to shout at her. Medyo sumama lang talaga ang loob ko dahil itinago nila ito mula sa akin. Pakiramdam ko, wala akong kwenta para sa kanila.

"Joyce, Joyce... please, calm down." She held me on my arm and her voice was full of concern. "It's not what you think. Alam namin ang kakayahan mo at malaki ang tiwala namin sa 'yo. Sorry kung hindi namin sinabi sa 'yo ang tungkol dito. Nababahala na kasi tayo sa unang red note na ipinadala sa 'yo. Hindi pa nga natin alam ang dahilan ng pagpapadala nila noon, tapos ito na naman ang isa." She held my hand and gave it a reassuring squeeze. 

"P-Pero... may balak naman kayong sabihin sa akin ang tungkol dito, 'di ba?" Medyo kumalma na ako at nawala na ang galit ko.

"O-Oo naman. Ang totoo niyan... Hindi ko pa alam ang iniisip ni Red tungkol sa red note na iyon. Basta ibang klaseng red note na naman iyon. Ibang iba sa mga nakita na natin noon." Iba?

"Paanong iba? Si Kuya Red ang pinadalhan nila? Pe-pero bakit siya?" My curiosity suddenly kicked in.

"Iba ang red note na ito kasi--" Hindi na natapos ni Ate Dawn ang sasabihin niya dahil nakita na naming dumating na ang shuttle ng Reed High School. 

"Kasi ano?" I never minded the shuttle. Hindi ko pinansin ang mga estudyanteng nag-uunahang sumakay dito. It was already the last trip going out of Reed University. Mabibigyan ako ng sanction kapag hindi ako sumabay sa shuttle pauwi. Pero kailangan kong malaman ang lahat ng detalye.

"Sumakay ka na, Joyce." Tumayo na si Ate Dawn at binitbit na ang bag niya.

"Pero, Ate Dawn..." 

"Don't worry. Malalaman mo rin ang lahat. I'll call you later, i-text mo ako kapag nakauwi ka na." She assured me. Mukhang wala naman akong choice sa sitwasyon na ito. Bumuntong-hininga na lang ako at isinuot ang bag ko. 

"Sige, Ate Dawn. I'll text you later." I waved at her and I got on the shuttle.

Another red note. Bakit kay Kuya Red nila ipinadala iyon? Bakit hindi sa akin o kay Ate Dawn? Walang kasalanan sa kanila si Kuya Red! Next to Kuya Vince, he's the most innocent person in the group who knew about Espada. May balak ba sila sa kanya? At sabi ni Ate Dawn, iba raw iyon sa mga nakaraang red notes na nakita namin. Ano'ng pinagkaiba noon sa ibang red note?

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now