XXX. The Fifth Day Part 3 [preview]

254 12 0
                                    

***Dawn's POV***

"Nasaan na nga ba tayo?" Isang boses ang narinig namin sa gitna ng kadilimang bumabalot sa buong Reed University. Nasa gitna ako ng diskusyon kay Uno, dahil ayaw niya akong paglaruin, nang mamatay lahat ng ilaw. Nagkagulo bigla sa field at nagkanya kanya ng takbo ang mga estudyante palayo sa lugar na iyon. Tatakbo na rin sana ako nang hawakan ako ni Uno sa braso at pigilan ako sa pagalis.

"Stay here." Pagbulong niya sa tenga ko.

"Hindi pwede, Uno! Ang mga estudyante—"

"Reed University!" Muling umalingawngaw ang misteryosong boses sa buong field. Naramdaman kong tumigil ang lahat dahil biglang tumahimik ang paligid. "Good evening! I apologize for interrupting you Camp Battles, but don't worry, I'll give you a game that you'll surely enjoy!" Biglang nagliwanag ang malaking screen sa gilid ng field at nagulat ako sa nakita ko.

"No..."

"You are viewing Brent International School and it's live, my friends." Nakatutok ang camera sa limang estudyante. Lumapit pa ito hanggang sa makilala namin ang tatlong estudyante ng Reed na matagal na naming hinahanap. Nakapiring lahat ang mga mata nila at nakakadena ang mga kamay sa harapan. Lumibot ang camera sa lugar na iyon hanggang sa matutok ito sa isang estudyanteng nakahiga sa sahig. Nakita ko si Inspector Chan at tila nilalapatan nila ng pangunang lunas ang nasa sahig. At doon ko nakita ang dugo.

"What are you doing, Dawn?! Call them right now and tell them to get my students back!" Hindi ko napansin ang paglapit ni Grey. Hindi ko rin pansin ang ingay na gawa ng mga nagkakagulong estudyante.

"What's happening Grey?" Tanong ni Uno sa kaibigan.

"Sasabihin ko sa 'yo sa ibang panahon, Uno. Not now." May namatay na. Ano'ng nangyari doon? Ayos lang ba si... At tumitig ako ng mabuti sa screen at hinanap ang taong iyon.

"Para hindi mangyari sa inyo ang ganito, 'wag na kayong magtangkang lumabas ng field. I have minions all over the campus watching your every move. Walang makakatakas!"


---to be continued... 10.23.15


The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu