X. When Boys Meet

384 21 13
                                    

***Red's POV***

"This is no place for a high school student and a visitor." Bumaba na ako ng stage at sumunod naman agad sa akin si Joyce. Napakayabang magsalita ng lalaking iyon! Sino ba siya sa tingin niya?

"Are you mocking me?" Tumigil ako paglakad at nilingon siya.

"No. I'm just reminding ourselves of what you've said earlier." Naramdaman ko ang pagbabago ng itsura ni Joyce. Nag-aalala siya. Bumaba ang lalaking tinawag na Grey at lumapit sa amin.

"You don't know who I am. I can have you kicked out of this school if I want. Pwede kitang--"

"Grey!" Sigaw ni Paulina mula sa entablado. "Niligtas niya ang buhay ko." Nagmadali siyang bumaba ng entablado at lumapit sa amin. "S-Salamat."

"Walang anuman. Mag-ingat ka palagi." At lumabas na kami ng Gymnasium.

"Kuya, okay ka lang ba?"

"Kilala mo ba iyong Grey na iyon?"

"H-Hindi, eh. Pero mukhang matagal na siya dito sa Reed. Itatanong ko kay Ate Dawn kapag nagkita na kami ulit."

"Kapag nagkita kayo ulit, sabihin mo sa kanya na huwag siyang iinom kung hindi niya kaya. Ay, hindi. Huwag siyang iinom, period." Patuloy pa rin ako sa paglakad papunta sa entrance ng University nang may maisip ako. "Or better yet, ako na lang mismo ang magsasabi sa kanya! Show me the way to the apartment."

"H-Ha? Eh K-Kuya, hindi ko k-kasi alam kung p-pwede--" Wala akong pakialam kung pwede ako doon o hindi. Ang sama ng loob ko. Dapat kuntento na ako dahil nailigtas namin si Paulina at hindi nagtagumpay ang plano ng Espada, pero masama pa rin ang loob ko. Hinatak ko si Joyce pabalik sa loob ng campus at pinilit siyang isama ako sa apartment ni Dawn.

***

"Okay lang naman sa akin, Joyce." Narinig kong sabi ng roommate ni Dawn kay Joyce. "Linggo naman ngayon, hindi mag-iikot si Uno. Sige, pasok na kayo." Tumingin ang babae sa akin sabay ngiti ng matamis. Tumango lang ako at sumunod na kay Joyce sa loob ng apartment.

"S-Salamat, Ate Anne. Medyo urgent lang kasi ang sasabihin ni Kuya Red kay Ate Dawn."

"Sige lang, feel at home! Mauna na muna ako sa inyo at hinihintay na ako ng dalawa sa mall. Manonood kasi kami ng sine ngayon. Bye, pogi!" Kumindat pa siya sa akin, bago siya lumabas ng apartment.

"Teka lang, kuya. Maupo ka muna diyan, titignan ko lang si Ate Dawn sa taas." Umupo nga muna ako sa sofa at tinungo na ni Joyce ang kwarto ni Dawn. Binuksan ko ang TV at naglipat ng channel. Naka-ilang lipat muna ako bago ako nakakita ng channel na gusto ko.

Ano ba'ng klaseng mga tao ang mayroon dito sa Reed? Mukhang hindi sila magandang impluwensya para kay Dawn. Napapainom na siya to the extent na hindi niya na kayang umuwi! Tapos may mga ma-a-attitude pang tao na akala mo may-ari ng University kung makapagsalita! Hay... tapos dito pa umaatake ang Espada ngayon! Sino ba talaga ang pakay nila? Bakit nila ginagawa ito?

"Kuya Red?" Lumingon ako nang marinig ko si Joyce. "Umakyat ka na lang daw sa taas, sabi ni Ate Dawn. Uy, maganda 'yang movie na 'yan, KickAss! Gusto ko 'yan!" Agad siyang umupo sa tabi ko at inagaw ang remote sa kamay ko para lakasan ang TV. Napatingin na lang ako sa kanya at umakyat na sa taas para kausapin si Dawn.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan at parang ayoko na lang tumuloy. Ano ba'ng tapang ang mayroon ako kanina na biglang nawala? Ano ba'ng naisip ko at pinilit ko si Joyce na pumunta dito? Ano'ng sasabihin ko sa kanya kapag nagkita kami? Nalilito na ako. Biglang hindi ko na alam kung ano'ng ginagawa ko dito sa apartment nila.

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon