XXXIII. Change of Hearts? [preview]

234 11 8
                                    

***Dawn's POV***


"Hindi ako aalis hangga't kailangan mo ako."

"Salamat, Ate." Ngumiti na lang ako sa kanya at saka nagpaalam. Pumasok na siya sa klase niya at lumakad na ako pabalik sa University.

Ilang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang pagsugod ng Espada sa Reed at BIS. Bumalik na ang lahat sa normal, pero may mga sandali pa ring naaalala ng mga tao ang karumal-dumal na nangyari noong gabing 'yon. Wala na kaming narinig mula sa Espada simula noon. Pero hindi dahilan 'yon para maging kampante kami.

"Hindi si Kuya Red."

"Huh?"

"Simula nung nangyari 'yon, kinamusta lang niya tayo nung sumunod na araw tapos wala na!"

"Alam mo namang hindi madali para sa kanya ang lahat, kasi mag-isa lang siya doon."

"I don't think so. Ang palagay ko, nakakita siya ng bagong paraan para makalimot." Huminto kami sa paglakad papunta sa klase niya at tinignan ko ang ipinipakita niya mula sa kanyang cellphone. Kumunot ang noo ko dahil may mga post sa social media account ni Red na mga litrato kung saan karamihan dito ay kasama niya si Helene.

"M-Mukhang a-ayos naman s-siya doon..." Lumakad na akong muli at bumuntong hininga na lang.

"Gusto ko si Ate Helene, pero hindi para kay Kuya Red. Ang hindi ko ma-gets, bakit madalas silang magkasama? At! Hindi na niya tayo kinakausap simula nun! Kinalimutan na niya tayo, ganun ganun na lang?" Huminto na kami sa harapan ng klase niya.

"Joyce, alam ko kung gaano kaimportante si Red sa'yo, pero may sarili pa rin siyang buhay at kung anuman ang gawin niya dun, wala na tayong pakialam. He may or may not join us in this battle against Espada, it's his decision and we can't force him to do what we want."

"P-Pero, Ate. Madami na tayong pinagdaanan namagkakasama... Bakit biglaan naman?" Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa kanyangmukha. Niyakap ko na lang siya at nangakong hindi ko siya iiwan kahit ano'ngmangyari.


to be continued... 01.27.16

PS. Para sa mga naka-follow na, pero hindi pa rin makita ang mga naka-private na chapters, i-delete niyo sa RL niyo ang book at i-add ulit. Balitaan niyo ako kung gagana, ha? Salamat! 

TLISA page link, nasa comments po. :)

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now