XXXVIII. Hang On [preview]

186 9 0
                                    

***Red's POV***

"Joyce!" Agad akong dumiretso sa Intensive Care Unit ng Reed Hospital at isang binatilyo ang nakita kong nakaupo sa labas ng kwarto. Nilingon niya ako nung narinig niya ang pagtawag ko sa pangalan ni Joyce.

"Kayo po siguro si Kuya Red. Ako po si Jacob, kaibigan at kaklase ni Joyce." Bakas ang magkahalong lungkot at pag-aalala sa tinig niya. Tumayo siya at lumakad sa tapat ng bintana ng kwarto. Sinundan ko siya at doon ko nakita si Joyce— nakahiga siya sa kama at kung anu-anong aparato ang nakakabit sa kanya. Napakapit ako sa salamin nang makita ko ang mga sugat sa katawan niya. Agad akong tumalikod at napaupo sa sahig. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi pwede 'to.

"A-Ano'ng nangyari?"Ilang beses kong ipinikit ang mga mata ko at umaasang bangungot lang ang lahat pagdilat ko, pero tuwing ididilat ko ang mga mata ko'y ang puting sahig at pader ng ospital ang nakikita ko—patunay na totoo ang lahat. Sinaktan nila si Joyce.

"Nang matapos ang JS Prom kagabi, hinanap ko siya para alukin na isabay na pauwi. Nakita ko siya sa gate ng school kasama 'yong date niyang taga-University." Taga-University?

"S-Sino'ng taga-University?Alam mo ba 'yung pangalan?"

"Oo, Kuya. Theo ang pangalan niya."Sino naman si Theo? At bakit sasama si Joyce sa isang taga-University? "Hindi ko na siya nilapitan hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. Nagulat na lang ako kaninang umaga nung kumalat sa Facebook page ng klase namin na nakita si Joyce sa gate na nagko-konekta sa University at sa High School Department. Mga guard at janitor ang nakakita sa kanya at nagdala sa kanya dito sa ospital."

"Ibig sabihin..." Kagabi pa nangyari ito sa kanya. Kagabi nung mga oras na ilang beses siyang tumawag sa'kin pero hindi ko nasagot.

"Ang kapal ng mukha mong pumunta rito!"Sobrangbilis ng pangyayaring 'yon. Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan komula sa pagkakaupo at isang bagay ang tumama sa mukha ko. Napadapa ako atnakita ko na lang ang ilang patak ng dugo sa sahig.     


---to be continued...

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now