XI. The Invitation

426 20 21
                                    

***Dawn's POV***

"At ako lang naman ang taong nag-uwi sa kaibigan mong lasing kagabi." Ano ba naman itong pinag-uusapan nila?! Napatingin ako mula kay Uno papunta kay Red. I only saw pain in his eyes. Pero bakit? Hindi ko maintindihan.

"H-Halika na, Kuya Red. Sige, Ate, mauna na kami." Hinatak ni Joyce ang braso ni Red at bumaba na sila. Hindi ko na nagawang habulin sila o makapag-paalam man lang dahil sa nakaharang na si Uno sa harapan ko.

"Masaya ka na?! Umalis ka na, pwede?!" Hindi ko mapigilang taasan siya ng boses at nabagsakan ko siya ng pintuan. Siguradong lagot ako nito bukas. Ayos lang. Masama talaga ang loob ko. Ano ba kasing pumasok sa isip niya at pumunta pa siya dito ngayon?! Hay...

"Wear your Novice shirt tomorrow. See you at the Gym at seven." Paalala niya at narinig ko ang mga yabag ng paa pababa ng hagdan.

***

"This is the first match of the Huntresses for the school year. Maraming manonood, kaya gusto kong gawin niyo ng mabuti ang mga itinakdang trabaho sa inyo. I have people here from the different Camps to assist you in your duties for today. You know your tasks, approach the right people here para makapagsimula na tayo. I'll walk around to check on you from time to time."

I just rolled my eyes at him. Naiirita pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. At alam kong may maitim na balak na naman siya ngayon sa akin kasi inilagay niya ako sa locker room kung saan magbibihis ang mga volleyball players na maglalaro ngayon dito sa Reed. Pwede naman ilagay niya ako sa committee, sa gate, sa crowd control o kahit sa ticket booth! Pero hindi... Mas gusto niya na nasa likuran ako ng Gym para magbantay sa locker!

Ang kuponan ng Reed University Huntresses ang nangunguna sa larong ito sa nakalipas na apat na taon. Naging sikat na sila sa ibang colleges at universities at nakakuha na rin ng mga fans nila. Kaya kailangang bantayan ang locker nila para hindi pumasok o mag-abang sa labas nito ang mga taong gusto silang makita. Walang kwentang trabaho! Sinabi ko na nga ba at lasing lang siya noong gabi ng Novice Ball, eh! Hindi talaga mabuting tao si Uno. Malupit siya!

"Ano'ng kasalanan ng flyer sa 'yo?" Nagulat ako nang biglang magsalita ang katabi ko sa tapat ng pintuan ng locker room. Naramdaman kong nalukot ko na pala ng husto ang flyer ng larong ito ngayon sa kamay ko. Agad ko itong binitiwan at ngumiti ng pilit.

"S-Sorry. M-May iniisip lang kasi akong hindi maganda. Hehe."

"Si Uno ba 'yan?"

"H-Ha?! H-Hindi! Hindi, no! B-Bakit ko naman siya iisipin, ikaw naman!"

"Napansin ko kasi, simula noong Novice Orientation, hindi na maganda ang pakitungo niya sa 'yo. Ang weird lang, nakita ko kayo noong Novice Ball. Nagsasayaw kayo at mukhang magkasundong-magkasundo na. Tapos ngayon, ang sama na naman ng tingin mo sa kanya. May ginawa na naman ba siya sa 'yo?" Ang chismoso naman nito. Ganoon na ba kahalata lahat ng ginagawa ni Uno? Bwisit talaga siya sa buhay ko!

"Siguro hindi niya lang talaga ako gusto kaya pinag-iinitan niya ako palagi. Noong Novice Ball naman, pakiramdam ko, lasing siya noon kaya mabait siya sa akin. Haha! Pero kaunting panahon na lang naman, mawawala na siya sa buhay ko." Tumawa lang ako at nakitawa naman din siya.

"By the way, I'm Theo." Iniabot niya ang kanang kamay niya para makipag-kamay sa akin.

"Dawn." Nagkamay kami at muling tumahimik ang paligid.

"Sa anong Camp mo gustong mapunta, Dawn?"

"Hmm... Sa totoo lang, hindi ko pa alam. I'm choosing between Scholar and Forthright. Ikaw?"

The Lady in Shining Armor: Reed University [wip]Where stories live. Discover now