Chapter Thirty Seven - Turning Point

341K 3.3K 789
                                    

Chapter 37


Greg’s POV

“Greg! Maniwala ka sa akin! Niloloko ka lang ni Gabrielle! Wag na wag kang maniwala sa kanya!” Sigaw sa kanya ni Kyra dahil sa sobrang lakas ng musika sa loob ng club.

 

Kumunot ang noo niya dito. “And why the hell would I believe you?”

 

“Dahil inagaw niya sa akin si Geoff! Lihim silang nagkikita behind our backs, Greg! Nang natuklasan ko ang lihim nilang relasyon ay kaagad kong hiniwalayan si Geoff! He’s been using me! They’ve been using us, Greg! All this time!”

 

Mas lalong kumunot ang noo niya. What the hell was she talking about? He regarded her closely to see if she was drunk, pero mukhang hindi naman. Hindi naman slur ang pananalita nito at hindi naman pa gewang-gewang ang tayo nito. Hindi pa man siya nakapagsalita ay naunahan na naman siya nito.

 

“Greg, I know you’re still having doubts. But Gaby isn’t what you think she is! Remember on your wedding day bago pa man magsimula ang kasal? Nung nagkita tayo sa garden? I warned you already! You may think she’s predictable but she’s not! You will never know what she’s thinking of!

 

“Alam kong may atraksyon nang namamagitan kay Gaby at Geoff ever since I introduced them to each other… Pero hindi ko alam na kaya nilang gawin ito sa akin… Sa atin! I know malapit nang matapos ang deal ninyong dalawa ni Gaby, kaya naman siguro ay naghanap na ito ng iba bago pa man matapos ang usapan niyo.”

 

Biglang lumamig ang loob ng club dahil sa sinabi nito. Nanglamig ang kanyang buong kalamnan mula ulo hanggang paa. “Pano mo nalaman ang tungkol sa usapan namin?”

 

Kumunot bahagya ang noo nito. “Syempre sinabi niya sa akin noon pa man. Greg, she only married you because she wanted that damn building! Ngayong nakuha niya na ang gusto niya, ano pa ba ang kailangan niya sayo? Wala na! Kaya naman nakikipagkita ito ng palihim kay Geoff para—”

 

“Enough.” Mahina pero matigas na putol niya. He didn’t want to hear any more about it! Ngayon ay nalilito siya. Alam niyang may kinalaman ang building na iyon sa kung bakit pumayag si Gaby na magpakasal sa kanya.

 

Iyon lang ba ang nag-iisang rason? Didn’t she feel the spark between them everytime they sit together? Everytime they kiss, didn’t she feel anything at all? Wala ba talaga itong nararamdaman tuwing nagtatalik sila?

 

And why the hell would he believe this woman in front of him? Anong alam niya kung nagsasabi man ito ng totoo o hindi? “At ano namang pruweba mo tungkol sa lihim na relasyon nilang dalawa? Bakit? Meron ka bang—”

 

“Greg, I have proof. I’ll send it all to you. Alam mo kasi Greg, nagiging selfish kasi si Gaby eh. Bakit hindi ka nalang niya pakawalan gayong alam niyang hindi naman kayo nagmamahalan sa isa’t isa? Is she still clinging for you dahil sa pinatayong restaurant nito? Because she’s using you for her own selfish success? When everyone knew Greg Hontiveros’ wife owned a new restaurant ay talagang nag-unahan ang mga tao. I’m just saying Greg. Gaby is my friend pero mali na ang ginagawa niya sa’yo. She’s a different person underneath that façade.”

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon