Chapter Forty Five - Mirror

308K 3.7K 808
  • Dedicated kay those who patiently waited for this update
                                    

Chapter 45


“Ma’am Gaby?” Tawag sa kanya ni Lisa.

“Yes?” Tanong niya sa kanyang sekretarya na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa binabasang papel.

“May dumating na naman pong bouquet of pink roses.” Anunsyo nito.

Napabuntong-hininga siya at napasandal sa kanyang upuan. Inilapag niya din sa kanyang desk ang kanyang binabasang kontrata. “Put it in a vase. Ilagay mo lang dun tabi sa bookshelf.” Turo niya sa isang maliit na lamesa na katabi ng bookshelf. Tumango naman si Lisa at lumabas na ng kanyang opisina.

She sighed again. Kung tutuusin, nagmuka nang flower shop ang loob ng opisina niya. Sari-saring mga bulaklak ang nakikita niya. From azaleas, red carnations, rosebuds, red tulips, forget-me-nots, blue daisies, at ngayon ay may pink roses na siyang idadagdag sa kanyang koleksyon.

Napailing nalang siya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na nakapaligid sa kanya. Everything looked absolutely beautiful. Lahat ay nag compliment sa isa’t isa. Minsan nga ay napapatigil siya sa kanyang trabaho para pagmasdan lang ang mga bulaklak na bigay ni Greg.

Yes, bigay ni Greg ang lahat ng mga bulaklak na ito.

Pagkatapos ng dinner date nila two weeks ago ay tumungo pala ito kinabukasan sa Europa dahil may konting problema daw ang negosyo nito doon. Tinatawagan din siya nito once in a while para kamustahin siya pero hindi rin lumalagpas ng two minutes ang kanilang pag-uusap dahil palagi itong tinatawag ng mga associates nito.

Hindi niya alam kung bakit siya tinatawagan nito para kamustahin lang. May time ngang nasa kalagitnaan siya ng meeting ng biglang tinawag ni Lisa ang pansin niya dahil may tumatawag daw sa cellphone niya. Tinanong niya ito kung sino pero sabi ay unknown caller. Alam na niya kaagad kung sino. Hindi niya kasi na-save ang number ni Greg.

Ever since umalis din ito ay everyday na siyang nakakatanggap ng flowers at paminsan-minsa ay chocolates. Talaga palang seryoso si Greg ng sabihin nitong “I will win you back.”



Ang pinakaunang bulaklak na dumating sa opisina ay pinatapon niya sa kanyang sekretarya. Kahit mukhang magpoprotesta ito ay sinunod din naman ang kanyang gusto. But then the next day when another bouquet of flowers arrived ay hindi na nagpapigil pa ang kanyang sekretarya dahil mukhang mamahalin daw ang mga bulaklak na iyon at masyadong maganda para itapon sa basura.

Pinagbigyan nalang niya ito at hinayaan nalang sa pag alaga ng mga bulaklak na iyon. But frankly speaking, she really liked the flowers. Naiinis lang siya sa simula dahil napakacorny lang isipin na binibigyan na siya ni Greg ng mga bulaklak.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon