Chapter Twenty Two - Jealousy

336K 2.5K 107
                                    

Chapter 22

Tinangay na ng hangin ang isip niya ng may biglang bumulaga sa likuran niya. "Ate Gaby naman eh! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo di ka naman lumilingon!" Tumatawang pahayag ni Summer. Alam niyang si Summer iyon dahil straight ang buhok nito.

Ngumiti siya. "Pasensya ka na, Summer! Malalim lang kasi yung iniisip ko."

"Maya na 'yang iniisip mo, te! Halika punta muna tayo sa cottage para makapagpalit na tayo ng swimsuit. Excited na akong mag swimming!"

Pagpasok nila ng cottage ay nakahiga sa kama si Snow at bumabasa ng Fifty Shades Darker. "Saang part kana?" Tanong niya dito.

Tumingin ito sa kanya bago ngumiti. "Yung part kung saan nag-meet si Mrs. Robinsons at Ana Steele sa salon."

"Nabasa mo na din 'yan, ate?" Tanong ni Summer sa kanya habang nagpapalit na din ito ng two piece nito.

"Yup. Natapos ko na yung tatlo. Nakakaloka nga yung bed scenes nila eh.-"

"Naku, Ate! Sinabi mo pa! Nung first time ko ngang mabasa yung love scene nila, kala ko hihimatayin ako eh! Ibang klase kasi si Christian!" Excited na sagot sa kanya ni Snow.

Ipinagpatuloy nilang tatlo ang chika tungkol sa libro habang nagpapalit sila ng two-piece. Tama nga si Greg. Masayang kasama ang dalawang babae. They were different in appearance pero napansin niyang pareho naman ang mga ito pagdating sa ugali. Mas vocal nga lang si Summer compare kay Snow.

Patungo na sila ng dagat ng mapansin niyang nakaupo sa tabing dagat si Kristina, pinagmamasdan si Greg habang lumalangoy. Alam niyang wala siyang pakealam sa buhay ng mga ito pero kailangan niyang pakainin ang kuryosidad niya. Binati ng kambal si Kristina at lumusong na ang dalawa sa tubig.

"Pwedeng tumabi?" Tanong niya kay Kristina nang lumapit na siya dito. Tumango naman ito.

Ilang minuto din silang nakikiramdam sa isa't isa ng binasag niya ang katahimikan. "Kamusta na ang paa mo?"

"Okay na. Hindi na masakit. Buti nalang magaling si Jack sa pag-hilot. Ilang beses din daw kasi niyang naranasan ma sprain pag umaakyat ng bundok." Malambot ang boses nito. Hindi katulad niya na magaspang at husky.

Tumango-tango siya. "Buti naman." Hindi niya na alam kung ano ang sasabihin dito. Nakita niyang lumingon si Greg sa direksyon nila at nakangiting kumaway. I raised my hand and waved back at him nang makita niyang ginawa din iyon ni Kristina. Bitch. Tatayo na sana siya para iwan ito nang bigla itong nagsalita.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon