Chapter Twenty - Love songs and Unknown feelings

368K 2.8K 121
                                    

Chapter 20



Kinabukasan ay umalis na sila ni Greg sa hospital. Nagulat nga siya kanina pag gising niya ng makita itong nasa upuan pa rin tabi niya, sleeping in an awkward position. She felt the pang of guilt. Kawawa naman ang isang to. Pinag-abala ko pa.




Kaya nga kahit labag sa kalooban niya ay kailangan niyang magpasalamat dito. “Salamat nga pala, Greg, for staying the night.” Patungo na sila sa parking lot ng hospital bago ito nagsalita.

“No problem.” Hindi naman cold ang treatment nito sa kanya but he was so… civil. Na para bang ginagawa lang nito iyon not because he wanted to be there or because he really cared, but because he knew that it was the right thing to do.

Ilang minuto na ang nakalipas ng nakasakay na sila sa kotse nito pero hindi parin sila nag-uusap. The awkward silence was suffocating her already. Turn on the radio. Bulong ng isip niya.

“C-Can I turn on the music?” Nauutal na tanong niya. Ba’t ba ako kinakabahan? Nakita niyang nagkibit-balikat lang ito. Kesa naman tuluyan siyang masiraan ng ulo sa sobrang tahimik ay binuksan na niya ang radio.

“This next song is dedicated to all lovers out their, who are currently listening in their car.” Pagkasabi ng lalaking DJ ay ninakawan niya ng tingin si Greg na seryoso parin sa pagmamaneho. Ano kaya ang music na ‘to?




When she heard the intro of the music ay biglang namula ang pisngi niya. Jeeeeez! Bakit sa dinami-daming kanta ay bakit ito pa?


“I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Looking nowhere in the open window of my car

And as we go I see the lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening”

Tinuon nalang niya ang kanyang pansin sa daan. Ba’t ba kasi ang layo ng hospital sa condo? Gusto na niyang bumaba ng sasakyan nito.

“And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me”

Okay! That’s it! Pagkatapos ng chorus ay pinalit niya kaagad sa ibang istasyon ang radio. The song was making them awkward even more. Nakita niya ding biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Anong nangyayari dito? She beamed when the female DJ said that the next song was from Regine Velasquez. Idol niya kasi ‘to.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon