Chapter Four - Bree is back!

366K 2.7K 74
                                    

Chapter 4

Tiningnan muna niya ang sarili sa glass window ng sasakyan niya. She looked sophisticated and ultra rich. She wore one of her favourite dress na hindi na niya sinusuot ngayon. It was a black knee-length dress.

Long sleeve venus cut ang style nito kaya makikita ang makinis niyang kutis sa left arm. Hapit na hapit din ito sa katawan kaya kitang-kita ang kurbada ng katawan niya. She also wore her 5-inch Jimmy Choo black suede slingback platform pumps.

Naglagay din siya ng konting make-up, just to refine her features. Ito ang get-up niya noong nabubuhay pa ang mommy niya. But now? She was contented in just wearing jeans and t-shirt.

Pero iba ngayon dahil may misyon siya. Kailangan niyang ibalik si Bree Fortaleza. Ang socialite na kinaiingitan ng mga babae at hinahangaan ng mga lalaki.

Ang socialite na binansagang “life of the party” noon. Akala niya namatay na ang side na ‘yon ng sarili niya. You will always be Bree Fortaleza.




Tumungo na siya sa entrance ng gusali. It was one of the tallest buildings she had ever seen.

Pumasok na siya at diretso na sana sa elevator ng nagsalita ang receptionist.

“Excuse me, Ma’am. Saan po kayo pupunta?”

“Oh, I’m here to see Mr. Hontiveros.” She used her sophisticated tone.

“Uhmm. Do you have an appointment with him, Ma’am? Ayaw ho kasi niyang magpaistorbo ngayon.”

“Hmm. I don’t need an appointment. I’m his fiancé.” At dumiretso na sa elevator. Hindi na nakapagsalita ang babae. Sa nakita niyang reaction sa mukha nito, sigurado siyang aabot ng forty years ito bago ma-absorb ang kanyang sinabi.

Ayaw palang magpaistorbo ha! Tingnan lang natin.




Habang nag-aabang sa elevator ay may biglang tumawag sa kanya. “Miss?”

Paglingon niya ay isang lalaki ang tumawag ng atensyon niya. “Hi! I’m Avan Ortiz. But you can call me ‘Vannie’.” At inilahad ang kamay nito.

Inabot niya ang nakalahad na kamay ng binabae. Gosh! Akala ko lalaki! He dressed and acted like one! Pero tinraydor ito ng boses nito. “Hi! I’m Ga—I mean Bree.” Sa pagkakataong iyon, on vacation muna si Gaby.

“It’s nice to meet you. Alam mo ang ganda mo, model ka ba o beauty queen?”

Ngumiti siya. “Nice to meet you too. As for your question, nope, I’m not a model or a beauty queen.”

“Ay, bakit naman? I mean you’re strikingly beautiful. Kahit ako na bading ay nakuha ang atensyon. Tamang-tama dahil naghahanap ako ng bagong model para sa Flawless Skin product namin. You’re a perfect model! Makinis ka at maganda. Ang haba pa ng buhok mo! Tiyak magiging artista ka pag na-discover!” May kinuha ito sa bag nito. Ini-abot sa kanya ang isang calling card.

“Call me anytime if you’re interested, Bree.”

“Sure. Pag-iisipan ko ‘tong offer mo. By the way, anong floor ang office ni Mr. Hontiveros?”

“Nasa pinakataas ng building na ‘to ang office niya. Kaibigan ka ba ni, Sir Greg?”

Bumukas na ang elevator. “No.” Pumasok na siya at pinindot ang 42. “I’m his fiancé.”

Bago tuluyang nag-sara ang elevator door ay kitang-kita niya ang panlalaki ng mata nito. He looked like he’d seen a ghost. Napangiti siya habang minamasdan ang sarili sa salamin ng elevator door.

Mukha nga naman siyang modelo kung ganito siya mag-ayos. 5’7” and half naman ang height niya. Maybe she’ll try modelling. Baka malaki ang kikitain niya sa pag mo-modelo then she can save money for her business.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon