Chapter Fourteen - Kyra and Geoff

342K 2.6K 85
                                    

Chapter 14

Gaby’s POV




Nasaan na kaya ang lalaking ‘yon? Patapos na ang first reading pero hindi parin ito dumadating. Palinga-linga siya pero hindi niya naman nakikita ang mukha nito sa mga taong nakatayo sa may likuran. Gashung! Baka iniwanan ako nun dito?

Maingat niyang kinuha ang kanyang cellphone sa purse niya. Lord, patawarin niyo po ako sa gagawin ko. Ite-text niya na sana ito nang matandaan niyang dead battery ang cellphone niya at wala din naman siyang number nito. Tangengot ka talaga kahit kalian.





Tapos na ang first reading ng may bumulong sa kanya na ikinagulat niya. “Urong ka nga ng konti.”

“Jesus, Greg! Papatayin mo ba ako sa niyerbos? Saan ka ba galing? Ang tagal mo ha?” Mahinang tanong niya dito.

“Wala kasi akong makitang parking space.” Mahinang sagot din nito.

May sasabihin pa sana siya ng may biglang nagsalita sa likuran nila. “Kayong dalawa, kung gusto niyong maglampungan ay wag sa loob ng simbahan.” Sabi ng isang may edad na babae na tantiya niya ay mga sitenta anyos na.

“Pasensya na po.” Hingi paumanhin niya sa matanda. Umayos na siya ng pagkaka-upo at hindi na kinibo si Greg. Holy Mother of God! Bakit ba ang bango nito? Kanina pa siya sa sasakyan naaadik sa pabango ng lalaki. At ngayon ang lapit nito sa kanya.

Their arms we’re touching each other. Nadadama niya ang init ng balat nito. Oh my gosh, Gabrielle! You’re inside a church for Christ sake!





Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi na niya naiintindihan ang sinasabi ng pari. Focus, Gab! She sighed deeply. Wala talaga siyang naiintindihan. She was too distracted on the guy next to him.





A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon