Chapter Five - Expect the Unexpected

362K 2.9K 83
                                    

Chapter 5



Pagbukas ng elevator door ay hindi na niya kailangang hanapin pa ang office ni Greg dahil mismo ang buong floor na iyon ay opisina na nito. Paglabas niya ng elevator ay nalula siya sa karangyaang nakikita.

Kung puro mamahaling furnitures ang makikita sa bahay nila ay hinding-hindi naman magpapatalo ang office ni Greg Hontiveros.

Just by looking at the furnitures and equipments ay alam niyang aabot siguro ng milyon ang halaga ng mga iyon. Taray! Mukhang condo unit ang office ah. Tumingin siya sa paligid para hanapin ang secretarya nito.

May nakita siyang isang table na may dalawang flatscreened computers. Wow! Required talagang dalawa? Sosyal talaga!




Nagpalingon-lingon siya baka bigla nalang dumating ang sekretarya. Pagtingin niya sa Michael Kors niya ay 12:34 na pala. Perfect timing! Lunch break ng sekretarya!




May narinig siyang pag-uusap sa nakaawang na pinto sa may bandang kanan. Nagmamadali siyang sumugod doon subalit napahinto kaagad nang may marinig siyang boses ng isang babae.

Sumilip siya at nakitang nakakandong ito kay Greg sa sofa. I thought walang girlfriend ang ungas na ‘to.




“What do you mean, Greg?”

“You know what I meant, Serena. I’m asking you to marry me.”

Napanganga siya sa sinabi nito. Marry? Sumilip ulit siya at nakitang umalis na ang babae sa pagkakakandong kay Greg. Nagulat siya dahil the woman was no other than Serena Briones. She was one of the most sought-after actresses in the country at the moment.

Bago nga lang pinalabas ang teleserye nito sa isang chanel. Hindi siya makapaniwalang may tinatagong relasyon pala ang dalawa. Kaya pala ang ilap ni Serena pag tinatanong ito tungkol sa love life nito.

Kunsabagay, sa itinatakbo ng career ng babae, natural lang na itago nito ang relasyon dahil makakaapekto iyon sa image nito.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon