Chapter Fifty - Missing

256K 2.9K 398
  • Dedicated kay those who patiently waited!
                                    

Chapter 50

“Mommy, why doesn’t dad come visit anymore?” Napahinto siya sa pagsubo ng kanin ng marinig ang tanong na iyon mula kay Gavin.

They were currently having breakfast at the dining room. Lahat ay tahimik habang kumakain ng bigla siyang tinanong ni Gavin.

Nakita niyang napatingin sa gawi niya si Sheila pero hindi naman siya binigyan pansin. She was obviously waiting for her reply. Nginitian niya ng matamis si Gavin. “Uhh, your father’s just… Uhh… Busy from work, baby.”

Yumuko ito. “But I haven’t seen him since grandpa was buried… That was two weeks ago, Mom!” Ngayon ay humagulgol na ito ng iyak. Tumayo siya at nilapitan ito. She hugged him tight and kissed his forehead. “Baby, I’ll—I’ll tell your daddy to visit you today. Will that make you feel better?”

Ilang sandali ay tumango na din ito. Napabuntong-hininga siya at pinunasan ang mga luha sa pisngi ni Gavin. She forgot the closeness between Gavin and Greg. She forgot that she wasn’t the only one who was hurting here. Nangungulila din si Gavin sa ama nito. Who was she to keep him from his own father?

Pagkatapos nilang kumain ng almusal ay nagprisinta na siya sa pag-imis ng mga plato. Nang nasa loob na siya ng kusina ay bigla siyang kinausap ni Sheila. “Gaby, ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa ni Greg? Bakit hindi na niya binibisita si Gavin? Pagkatapos ng alitan niyo ay—”

“She, it’s not his fault. I pushed him away.” Singit niya kaagad sa litanya nito.

Kumunto ang noo ni Sheila. “Huh? Di ko maintindihan.”

Bumuntong-hininga siya at isinalaysay ang gabing nagkaroon sila ng tinding hindi pagkakaunawaan ni Greg.

Pagkagaling niya sa opisina ng abogado ng kanyang daddy ay dumiretso na kaagad sila ni Gavin sa bahay para magpahinga. When Gavin finally slept in his own room ay pumunta na din siya sa kanyang kwarto para magpahinga. It was a stress-filled week. Isang linggo na ang nakalipas ng inilibing ang kanyang daddy pero hanggang ngayon ay sumasakit pa din ang kanyang damdamin tuwing natatatandaang pumanaw na ito.

Kasalukuyan niyang sinusuklay ang kanyang buhok ng may biglang kumatok sa kanyang pintuan. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Maya-maya ay narinig niya ang boses ni Greg.

“Gaby, it’s me. Open the door.”

Napabuntong-hininga siya bago nilapag sa lamesa harap ng salamin ang suklay. Rinig niya paring katok ng katok si Greg sa pintuan. She badly wanted to rest but she knew Greg could be very persistent. Kahit siguro hindi niya ito pansinin magdamag ay hindi pa din ito titigil sa kakakatok.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon