Chapter One - Snatched and... Arrested?!

580K 4.1K 506
                                    

I dedicate this chapter to my ever-supportive friend, Miss Bubuyog89. Siya kasi yung nag pilit sakin na gumawa ng story (: Cheers to you, darling!

IMPORTANT NOTE: (DISCLAIMER) The EVENTS of the first three chapters of this story were taken from a POCKETBOOK. Credit goes to the rightful owner. Nevetheless, the names and dialogues are mine! Thank you.

_____________________________________________________________________________

“Ang Galing ko talaga!” Nakangiting sabi ni Gaby habang binibilang ang kanyang perang napalanunan sa isang pustahan sa horse racing.

“Ipapakita ko talaga sa inyo kuya at papa na kaya ko rin kahit hindi ko kailangan ang pera niyo! Bwahahahaha!” Tumatawang sigaw niya habang nakatingala sa langit.

Wala namang katao-tao ang parking area kaya pwede niyang magawa kahit anong gusto niya. Kahit mag planking siya sa gitna ng kalsada, walang makakaalam.

Naglakad na siya muli papunta sa kanyangsasakyan ng may biglang umakbay sa kanya. Sisigaw na sana siya ng tulong nang may naramdaman siyang matulis na bagay sa kanyang tagiliran.

“Akin na ang pera mo! Bilis! Kung ayaw mong mamatay dito!” Mabangis na sabi ng hold-upper.

“Naku! Manong! Pwede naman natin tong pag-usapan sa demokratikong paraan eh. Nangangailangan din kasi ako ng—” Di niya natapos ang kanyang sasabihin ng dumiin ang patalim sa kanyang tagiliran. At bakit naman kasi mas nauna pa siyang umalis sa stadium.

Isang oras pa bago matapos ang second round ng horse racing pero umalis na siya dahil nagagalit na ang mga alaga niya sa bituka. Plano pa naman niyang kumain sa isang mamahaling restaurant.

“Ang dami mo namang satsat! Akin na ang pera mo! Bilis!” At naramdaman na naman niya ang patalim.

Natatakot na talaga siya. Pucha naman! Sa daming taong pwedeng i-hold-up eh bakit ako pa? Kailangan na kailangan din kasi niya ang pera na ‘to. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang kinukuha ang pera sa kanyang bulsa.

“Manong? Pwede hati nalang tayo?”

Hindi pa nakasagot ang hold-upper ng may biglang nagsalita sa likuran nila.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon