Chapter Seven - The Deal

368K 3.1K 187
                                    

Chapter 7

Nagpaalam na si Papa at Tiyo Goryo dahil may pupuntahan pa daw ang mga ito.

Nang naiwan na sila ni Greg ay nagsalin ulit ito ng alak. “Why didn’t you disagree?” Tanong niya dito.

“Will it make any difference? They’ve been planning this wedding for more than a decade.” At ininom ang alak.

“So alam mo na pala ang mangyayari? Eh ba’t hindi ka nagpakasal sa iba?”

“You witnessed what happened.” Walang ganang sagot nito.

Ay! Oo nga pala! Basted nga pala ‘to.




“Ikaw. Why did you agree? At mukhang excited ka pa which is alam naman nating dalawa na kinamumuhian natin ang isa’t isa.” Naguguluhang tanong nito.

“I have my own reasons.”

“Which are?”

“None of your business.”

Tumawa ito ng mahina. “I didn’t expect you at all to be Tiyo Miguel’s Princess. Naguguluhan pa nga ako hanggang ngayon. Of all women in this planet ay ikaw pa talaga ang pakakasalan ko.” Ngumiti ito ng pagkapait habang umiiling.

“At ikaw. Of all men in this planet, sa isang sira ulo lang pala ako mababagsak.”

“We can have divorse.”

“Which is hindi ko pipirmahan pag hindi mo ibinigay sakin ang Oregon Building.” Taas noong pahayag niya.

Tiningnan muna siya nito. “Why do you want it so much?”

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon