Chapter Thirty Eight - First Homecoming

345K 2.9K 541
                                    

Chapter 38

 

Six Years Later…

 

“Maam? Excuse me, Maam?” Gising sa kanya ng isang babaeng flight stewardess.

Napaupo siya ng maayos at tiningnan ang relong pambisig, it was already 11 o’clock am. “Yes?”

“Please paki-fasten lang po ng seatbelt natin, we will arrive in NAIA shortly.” Magalang na paalala nito at umalis na. She was finally going back to Philippines after six years. Hindi niya alam kung matutuwa siya o kakabahan sa kanyang pagdating.

Kung gugustuhin niya ay ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas. The country alone made her remind of her cruel and bitter past. Kung hindi lang dahil sa pagmamakaawa ng kanyang papa ay sana ay hindi na siya bumalik pa.

Actually, hindi alam ng kahit kanino kung saan siya pumunta. Walang nakakaalam kung saan siya naglagi for six years. After a week nang nakalabas siya sa ospital ay kumuha kaagad siya ng ticket at nagdesisyong hindi na babalik pa dito sa Pilipinas. Nobody knew where she went. Even her brothers and friends didn’t have the slightest clue. She only exchanged emails with Maddie every once a month to let her know that she was alright and well.

Ilang beses siyang pinilit nitong sabihin kung saan siya pumunta pero hindi siya nagpaubaya, mas mabuti nang maingat para iwas sa gulo. Ito na din ang naging tagapagbalita niya tungkol sa kanyang pamilya.

Kay Maddie niya din nalaman na nagkaroon ng stroke ang papa niya at nagmakaawa daw itong sabihin sa kanya na umuwi na siya sa Pilipinas. Hindi daw nito alam kung ilang araw na lang ang itatagal nito sa mundo kaya naman ay hangga’t kaya pa ay gusto nitong makausap ang nag-iisang anak na babae.

Ngayon ay nasa loob na siya ng eroplano at ilang minuto na lang ay nasa Pilipinas na siya. She closed her eyes and muttered a silent prayer. A few minutes past and they finally arrived. Everyone on board had a wide grin plastered on their faces, it was obvious that everyone was quite excited to be back in their motherland… Except her.

Bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang kanyang bag at nagmamadaling lumabas sa eroplano. She wanted to get this over and done with. Pagkatapos na pagkatapos niyang makausap ang kanyang papa ay kukuha kaagad siya ng ticket pabalik sa America.

Nang nakuha na niya ang kanyang mga bagahe ay tumungo na siya sa gate ng airport. The sooner this is done, the better. She fished her cellphone inside her pocket ng bigla niyang makabangga ang isang babae. “Sorry, Miss.” Hinging paumanhin niya dito. Hindi lang man siya nilingon ng babae dahil nagmamadali ito, tila ma’y hinahabol. Kumibit nalang siya ng balikat at tuluyan na sanang lalabas ng mapansin niyang nahulog ng babae ang wallet nito.

Kinuha niya iyon at hinabol ang nagmamadaling babae. “Miss! Sandali! Nahulog mo yung wallet mo!” Even from behind, she was sure the lady was pregnant. Thank God huminto na ito sa pagmamadali dahil nakapila na ito sa counter.

“Excuse me, Miss. You dropped your wallet.” Sabi niya dito.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon