Chapter Seventeen - First Kiss

363K 2.7K 104
                                    

Chapter 17




Hindi siya tinitingnan nito dahil busy ito sa pagtitipa ng hawak na iPhone. Holy Shit! Hindi niya ata ako kilala! Tiningnan niya ang refleksyon sa salamin ng elevator. Gaby is far different from Bree pagdating sa appearance. Lalong-lalo na at magulo ang buhok niya dahil kamay lang ang isinuklay niya dito. Sinilip niya ulit si Greg na busy parin sa iPhone nito. May signal ba sa loob ng elevator?





Pagkuha niya ng cellphone sa kanyang Goyard ay timing naman dahil may tumawag. Unknown number ang naka-register. Sino kaya ‘to?





Tumikhim muna siya bago sumagot. “Hello?” Wala siyang narinig na sagot. “Hello? Sino to?” Wala parin kaya in-end niya ang call. Pagtingin niya kay Greg ay nakatingin din ito sa kanya. May kausap din ito sa iPhone nito. Binawi niya kaagad ang tingin dahil baka nakikilala na siya ng mokong.

Tumunog na naman ang kanyang cellphone. Ang unknown caller parin ang tumatawag. Sinagot niya ito sa mahina pero matigas na boses. “Listen, I don’t have time to make stupid phone calls with strangers, okay? So kung sino ka man, ano ang kailangan mo?”

“Strangers pala ha?” Isang baritonong tinig na napaka-pamilyar sa kanya. Holy shit! Paglingon niya kay Greg ay matiim siyang tinitigan nito. Inilagay niya ulit sa kanyang bag ang cellphone with trembling hands. Bakit ba ako nininiyerbiyos?

Tumikhim siya bago nagsalita. “What are you doing here?”

“Serena lives here.” Walang emosyon na sagot nito.

Oh, kaya naman pala andito ito. Wait? Natandaan niya ang sagot nito kagabi ng tinanong niya kung nagtatalik ba sila ni Serena. “A couple of times actually. In her condo.” Tiningnan niya ito ng masama.

“You had sex with her, didn’t you?”

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon