Chapter Forty Seven - Shower & Conference Room

335K 3.4K 555
                                    

Chapter 47

“Hey! What about this Denny and George scarf?” Tanong sa kanya ni Jenni hawak ang isang kulay mint green na scarf.

Umiling siya. “No, you can have it. Di ko naman yan magagamit sa Pilipinas.”

Nakangiting tumango naman si Jenni. “Thanks, Gab!”

She laughed and rolled her eyes. “Oh, Jenni. Sometimes you are too predictable. Alam ko namang matagal mo na ‘yang gusto pero nahihiya ka lang hingin sa akin.” Natatawang pahayag niya at ipinagpatuloy ang pag-iimpake.

“Eh ang ganda kasi! Limited edition kaya ‘to! Not even Angelina Jolie herself owns one of these! Ang swerte mo dahil binilhan ka nito ni Vince ng nanliligaw pa yun sa’yo.” Saad nito habang nakatayo sa harap ng ceiling-to-floor niyang salamin at inikot-ikot ang scarf sa leeg. “Nung una talaga di kita maintindihan kung bakit hindi mo siya sinasagot. I mean he’s cute, thoughtful, loaded, and from a well-to-do family. He owns a Lamborghini for Christ’s sake!”

“Edi ikaw yung sumagot sa kanya kung gusto mo!”

Umiling-iling kaagad ito. “Ano ako? Hahabol dun dahil sa pero niya? Hell no! Ephraim may not be as rich as he is but I don’t love Vince’s money as much as I love my Ephraim. Kahit may mood swings ang isang ‘yon, siya pa din ang mamahalin ko. My love for him is eternal.” Niyakap-yakap pa nito ang hawak na scarf.

Napailing nalang siya habang nangingiti. “You really are a hopeless romantic, Jeh.”

“Pero alam mo, Gab, nasagot naman yung tanong ko kung bakit hindi mo pala maisukli yung pagmamahal ni Vince. Eh nakatikim ka na pala ng Adonis eh? No wonder di ka na lumingon sa iba eh greek god naman pala yung natikman mo? Sabi nga ni Katy Perry sa kanta niyang Thinking of You, ‘Comparisons are easily done once you’ve had a taste of perfection.’ Swerte mo!” Balewala nito sa sinabi niya. Jenni even wriggled her eyebrows. Dear God.

“Tumahimik ka nga at tulungan mo nalang ako sa pag-iimpake! Dami mong sinasabi diyan.” Tama nga naman ang sinabi nito. Greg was one hundred times good-looking than Vince.

“Uyy! Aminin! Mahal mo pa si Greg ano?” Tudyo nito sa kanya.

God! Bakit ba ang kulit nitong Jenni na ‘to? “Jen, please. Past is past do not discuss.”

“Diyos ko! Panahon pa ng mga kanunu-nunuan ko ang sayings na ‘yan! Kinakalawang na! Aminin mo nalang kasi na may gusto ka pa kay Greg!” Tapon nito sa kanya ng maliit na unan. She was hit square on the face.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon