Chapter Two - Meeting with the Gods

431K 3.5K 174
                                    

Chapter 2

IMPORTANT NOTE: (DISCLAIMER) The EVENTS of the first three chapters of this story were taken from a POCKETBOOK. Credit goes to the rightful owner. Nevetheless, the names and dialogues are mine! Thank you.

 

_____________________________________________________________________________

“What we’re you thinking, Gabrielle? Huh? What we’re you thinking?! Isang Hontiveros ang binangga mo! A Hontiveros! They’re the reason kung bakit nararanasan natin ang karangyaang ito ngayon. Ang pamilya nila ang nagbigay ng pagkakataong magkaroon ng pangalan sa mundo ang negosyo natin!”

Kulang nalang ay hampasin siya ng hinahawakang baton ng papa niya. Galit na galit ito sa kanya kasama ang tatlong kuya niya.

“Wala ka na ba talagang ibibigay sa pamilya natin kundi kahihiyan, Gabrielle? Ito na ang pang-apat na beses na nasangkot ka sa gulo! At ngayon, sa presinto ka na talaga naming nadampot!”

Nakasimangot siya habang bina-block out ang eksena sa harap niya. Ang kanyang ama at tatlong nakakatandang kapatid ay tila kakatayin na siya ano mang oras dahil sa sobrang pagkabuwisit sa kanya.

Nababahala pa naman siya dahil halos glass furnitures ang nasa loob ng sala nila. Baka mabasag iyon lahat sa lakas ng boses ng ama at mga kuya niya.

“Kung hindi pa nagawan ng paraan ng mga kuya mo ay baka sampahan ka na talaga ng demanda. At robbery pa ang kaso, of all cases! Napakayaman ng pamilya natin para makasuhan ka ng ganyang klaseng kaso!” Halos mangitim na ang mukha nito.

“Sis, bored ka na ba talaga sa buhay mo at nagawa mo iyon? Alam mo okay lang naman sana pero si Greg pa ang napagtrip-an mo.” Singit ng Kuya James niya.

“A Hontiveros!” Sigaw na naman ng papa niya.

“Bakit mo nga pala ginawa yun? Ano pa ba ang kulang sa mga bagay na binibigay namin sayo?” Mariin na tanong ng Kuya Albert niya.

“Wala.”

“Kung ganon naman pala, ba’t mo naman naisipang gawin iyon?” Halos ibato na sa mukha niya ang hinahawakang baso nito. May laman pa naman yong durian juice. Yuck!

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon