Chapter Three - Payback Time

388K 3K 67
                                    

Chapter 3

 

IMPORTANT NOTE: (DISCLAIMER) The EVENTS of the first three chapters of this story were taken from a POCKETBOOK. Credit goes to the rightful owner. Nevetheless, the names and dialogues are mine! Thank you.

 

_____________________________________________________________________________

“Teka! Teka! Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo noong huling nag-usap tayo? Eh bakit kailangan mo na namang pag isipan ito ngayon?” Nagtitimping tanong niya kay Fred, ang ahente ng abandonadong gusali na gusto niyang bilhin.

Pinigilan lang niya ang kanyang sarili dahil naging mabait naman ito sa kanya at naiintindihan naman niya ito.

“Gaby, sabi mo kasi sakin eh ngayon mo ibibigay ang kalahati ng presyong napag-usapan natin. Tinawagan mo pa nga ako noong isang gabi dahil sigurado ka nang maibibigay mo na ngayon. Tapos ngayon nag iba na naman ang desisyon mo.”

“May nangyaring aberya lang kasi kagabi. But I can assure you na bibilhin ko talaga ‘tong Oregon Building. If you could just give me time until next week. Babayaran na talaga kita.”

Napabuntong-hininga ito. “Okay! Pero hanggang next week na lang talaga. Nagmamadali kasi yung may-ari nito dahil aalis sila papuntang Japan next month. So kailangang next week makabayad ka na ng full payment.”

“Promise! Mababayaran na talaga kita next week! I can assure you.” Bahala na kung saan niya kukunin ang perang pambayad.

“Okay. Dahil pag hindi mo maibibigay ang pera ay sa isang buyer ko na ‘to ibibigay. Gaby, he’s willing to double the price! Or even triple it para lang makuha ‘tong building. He’s planning to have a business expansion kaya napili niya ang building na ‘to.”

No, hindi ‘yon maaari! This building is perfect para sa gusto niyang itayong restaurant. It was already fully furnished. Kailangan na lang ng few retouches at magiging perpekto na ito!

“Don’t worry, I’m sure makakahanap na ako ng pera by next week.”

“Alam mo, Gaby, nagtataka ako sayo eh? Mayaman naman ang pamilya mo. The Fortaleza’s are one of the richest and most powerful families in this country. Ang tataas pa nga ng mga gusaling pag-aari niyo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang maghanap ng pera.” Nagtatakang tanong nito.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon