Chapter Nine - Venus' Secrets

361K 2.5K 70
                                    

Chapter 9





Pagkatapos niyang kumain at magbayad ay umalis na siya sa restaurant. 2:20 na ang oras. Pupunta nalang siya sa Atrium at magpasyal hanggang 4pm. Pagdating sa mall ay pumasok siya sa isang bookstore. Tumungo siya sa Adult section.

Modern Kama Sutra. Cosmo Kama Sutra. Aqua Kama Sutra. Supercharged Kama Sutra. Wow! Nakakatakot naman ang title ng mga libro na ‘to! Supercharged? Ano yun? Parang battery lang?





Kinuha niya ang Modern Kama Sutra at binuksan ang first page upang mabigla. Isang buong page puros sexual positions! Gosh! Hindi ko ata ‘to kaya!  Ibinalik niya ang libro sa shelf at umalis sa section na iyon. Kay Kyra nalang talaga ako hihingi ng advice.





Naglakad-lakad siya sa loob ng Atrium hanggang sa nangalay na yung mga paa niya. Naisipan niyang pumunta nalang sa Starbucks. Wala rin naman siyang ibang pupuntahan.

Napansin niyang kanina pa siya tinitingnan ng mga taong nakakasalubong niya. May dumi kaya ako sa mukha? Dumaan muna siya sa Restroom bago pumunta sa Starbucks.

Okay lang naman yung face ko ah? Hindi naman nag smudge yung make-up. Nagkibit nalang siya ng balikat. Baka nagagandahan lang sa kanya yung mga tao. Hihihih! Yabang!





Pagtingin niya sa orasan ay 3:50 na. Umorder na siya ng tatlong Cookie Crumble. Ilang saglit lang ay dumating na si Maddison. Nakasuot pa ito ng corporate attire nito. Kahit pang office lang ang suot nito ay parang fashion statement pag ito ang nakasuot.

Three-fourths white crisp polo na naka tuck-in sa kulay tangerine na bandage skirt. Meron pa itong scarf sa leeg. Nakatali ang mahaba nitong buhok into French bun. Mukha talaga itong business woman. And Maddie always has this independent and confident aura in her. Kaya nga madaming nagkakagusto rito pero wala naman itong pakealam.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon