Chapter Eighteen - Lunch with the Billionaire

357K 2.7K 98
                                    

Chapter 18

“Gaby? Okay ka lang? Namumutla ka ata eh?” Nag-aalalang tanong ni Fred sa kanya.

“I’m fine, Fred. Wala pa kasi akong breakfast.” Pagdadahilan niya.

“Well, you should never forget to eat breakfast. It’s the most important meal of the day.” Paliwanag nito sa kanya na para bang isa siyang five years old.

“Opo, Tatang. Hindi ko na po uulitin.” Tumatawang sagot niya dito.

Ngumiti ito. “Well, Gab. I would really like to celebrate with you pero may pupuntahan pa kasi akong ibang kliyente.”

“It’s okay, Fred. And thank you so so much! Buti nalang talaga at naging classmate tayo noong highschool.”

“Congratulations, Gab!” Nang matapos na itong magpaalam ay nilibot muna niya ang buong building. Three-story building lang ito pero malapad. Kaya nga madami silang nag-aagawan sa place na ‘to.

Wait… He said he wouldn’t give this building to me if he didn’t like my performance? Ano na naman kaya ang pinaplano nito?





Pababa na siya galing sa third floor ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Greg Sira-ulo calling…





Holy shit! Hindi pa niya ata kayang makipag-usap sa lalaking ‘to. Binalewala niya ang tawag and decided to switch her phone into silent mode. Sasabihin ko nalang mamaya na naiwan ko sa sasakyan ang phone ko.





A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon