Chapter Thirty Four - Time to wake up Bree!

328K 2.6K 272
                                    

Chapter 34

Greg’s POV

 


“The number you dialled is out of coverage area. Please try your call—” He sighed deeply after pressing the end button. Hindi niya alam kung pang-ilang beses niya nang tinawagan ang cellphone ni Gaby. He was starting to feel nervous and worried. Where the hell is that woman?


 

Tiningnan niya ang orasan ng kanyang cellphone and cursed under his breath. It was almost one o’clock in the morning and the woman was still not home! Mas lalong uminit ang ulo niya ng matandaang hindi naco-contact ang cellphone nito.

He already contacted everyone. Including his parents, Gabrielle’s father and brothers, Jack and the restaurant. Pero wala daw alam ang mga ito kung saan pumunta si Gaby. He cursed again and once more tried to dial her number. “The number you dialled is out of coverage—” He pressed the end button with an exasperated sigh.

Kaninang alas diyes pa siya ng gabi dumating galing sa party ni Kostas. He thought it was a bachelor’s party kasi yun naman ang sinabi nito sa kanya ng ininvite siya nito kaya naman hindi niya naisama si Gaby. Nagulat nalang siya ng biglang pumasok si Kristina sa office niya at sinabing anong oras sila aalis papunta sa party ni Kostas.

Hindi nalang niya sinabi kay Gaby na kasama niya si Kristina sa party dahil tiyak siyang mag-hihisterya iyon. Mga alas nuwebe pa lang ng gabi ay gusto na niyang umuwi dahil ayaw niyang mag-isa lang si Gaby sa bahay habang siya naman ay nakikipag-inuman sa kanyang barkada. He was about to leave when Kostas begged to stay for until ten in the evening.

He really thought it was a bachelor’s party at walang imbitadong babae pero laking gulat niya dahil halos lahat ng kaklase niya noon sa high school na mga babae ay andoon. If only he knew ay sana isinama niya si Gaby.

Tiningnan niya ang orasan ng kanyang cellphone. Akala niya pag-uwi ay nasa bahay si Gaby at hinihintay siya. Laking gulat niya nang malamang walang katao-tao ang bahay kaya naman tinawagan niya kaagad si Gaby only to be pissed off dahil naka-off ang cellphone nito.



I’m going to kill that woman when she gets back. Tumayo siya galing sa pagkakaupo sa sofa at tinungo ang bar. He poured himself a glass of Pinot Grigio. Why the hell did she turn off her phone? It was 1 in the morning for shit’s sake! Inubos niya ang laman ng baso and poured himself another shot.

Sino kaya ang kasama nito ngayon? Geoff. Biglang bulong ng isang bahagi ng kaisipan niya na nagpataas ata ng lahat ng dugo sa ulo niya. He imagined Geoff embracing Gaby’s graceful body and knocking her off with the bastard’s kisses. Napamura siya sa naisip. Kahit noon pa man ay hindi na niya talaga gusto si Geoff as Gaby’s friend. There was something different about him na hindi niya maituro.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon