Chapter Nineteen - The Accident

345K 2.5K 58
                                    

Chapter 19




Gaby’s POV




It was already 7:30pm ng pauwi na siya galing sa Home for the Aged sa may Pasig. Binisita niya ang kanyang mga kaibigan na mga lolo at lola na talagang malapit sa puso niya. Five years ago ay wala siyang pakialam sa ibang tao.

Kung may nanglilimos nga sa kanya noon ay itinataboy niya kaagad, even cursing them. But everything changed when her mother died. Nangako siya ditong magbabago na siya at magiging mabait sa kapwa.

Tinutungo na niya ang padaan pauwi ng mapansin niyang traffic. Shit! Pagtingin niya sa relo niya ay 7:45 na pala. Sana hindi magalit si Geoff pag na-late ako.





Lumiko siya sa isang eskinita kung saan wala namang dumadaan na sasakyan para makaiwas sa traffic. Kumakalam na ang tiyan niya sa gutom. The last time she ate something was with Greg sa restaurant na pagmamay-ari nito.

Seriously, she never thought he would venture to the food industry. He is so filthy rich! Hindi na nga siya magugulat kung pagmamay-ari na din nito ang China.

Pagtingin niya sa daan ay napansin niyang madilim ang kalsada. No light posts anywhere. Wala ding nakatira sa street na ‘yon. Creepy. Pagtingin niya sa rearview mirror ay may nakita siyang nakasunod na sasakyan. And then everything happened so fast.

When her attention went back to the road ahead ay may isang binatilyo na biglang tumalon sa gitna ng kalsada that made her stop abruptly. What the f***?! She was so nervous nang biglang may bumangga sa likod ng sasakyan niya with full force knocking her head off at the steering wheel.

The last thing she heard was a woman’s scream. And everything went black.

-

She woke up with a throbbing head. She tried to sit down but she was too weak to even lift her finger. Ano bang nangyari sakin? Pinagmasdan niya ang paligid ng kwarto. No doubt she was in a hospital. The dextrose attached to her right arm said it all.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon