Chapter Thirteen - "I'm with my wife."

350K 2.4K 121
                                    

Chapter 13

Greg’s POV




Palabas na sila ng subdivision ng mapansin niyang lukot na lukot ang mukha nito.

“Hoy! Sinasapian ka na ba diyan? Ba’t lukot na lukot ‘yang mukha mo?”

Matagal ito bago nakasagot. “Ang sakit kasi ng paa ko. Namatayan pa ata ako ng kuko.”

Pinipigilan niyang tumawa habang natatandaan ang ginawa nito kanina. Bubusinahan niya sana ito pero nakita niyang palapit na ito sa sasakyan niya kaya akala niya alam na nitong nasa loob siya.

Nagulat siya nang bigla nitong sinipa ng ubod lakas ang front bumper niya. Tumitira ata ng drugs ‘tong babae na ‘to eh!




“Eh bakit mo naman kasi sinipa yung sasakyan ko? ‘Yan tuloy, nasaktan ka pa.”

“Kasi naman po, ikaw pala ‘yung taong malapit bumangga sakin kagabi! Kung hindi ko kinabig yung manibela ay tiyak nasa purgatoryo na ako ngayon!” Pagkatapos ay ginawa nitong punching bag ang braso niya.

“Hoy Lukring! Tumigil ka nga jan at baka mabangga tayo. Uminom ka ba ng gamot mo kanina?”

Tumigil naman ito sa pagsusuntok sa kanya pero matalim parin ang tingin nito. “Gamot? Okay naman ako ah.”

“Ikaw, oo. Pero ‘yang pag-iisip mo, hindi. Lukring ka talaga.” Hindi na niya maiwasang tumawa.

“Hoy! For your information, ikaw ang sira ulo sa ating dalawa kaya wag mo akong matawag na lukring!” Hinampas pa siya nito ng isang beses sa braso.

Hindi na sila nag-imikan hanggang sa nakarating sila ng simbahan. Marami nang tao kaya nahirapan siyang mag-hanap ng parking space. “Umuna ka nang bumaba. Find a seat for the two of us at the church. Sa daming tao ay tiyak mauubusan talaga tayo.”

Bago ito bumaba ay nilabian muna siya nito. Isip bata talaga. Ilang minuto ang lumipas nang makakita na siya ng space tabi ng isang kulay asul na BMW. Sinuot niya muna ang kanyang Ray Ban bago bumaba.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon