Chapter Six - Bree's favour

364K 2.8K 106
                                    

Chapter 6

Kung meron man siyang nakitang pagkagulat ay saglit lang iyon dahil nakatitig lang ito sa kanyang mukha. “Siguro you’re very good with words aren’t you? Or better yet, maybe you offered yourself to the police para makalaya sa kulungan?” Marahas na tanong nito.

What an actual bastard! If he wants to play dirty, fine! She’ll play dirty!

She smiled bitterly. “Alam mo, Hontiveros, sira na nga siguro yang utak mo! But surprisingly, sa unang pagkakataon ay tama ka! I offered myself to the police para lang makawala sa kulungan! But it worked didn’t it? I’m standing here right in front of you! See the power of my body? I can do miracles na kahit ang batas ay pwede kong malusutan.” Walang kagatol-gatol na sabi niya. She was so furious inside. Pero she had to act cool and collected.

She saw his jaw clenched. “Hindi ka lang pala hold-upper, proud whore ka din pala.”

“Actually, I can also be a total bitch whenever I want to you know.” Nangungutyang ngumiti siya dito.

“What do you mean?” Nangungunot ang noong tanong nito.

“Leave the Oregon Building alone or else..”

“Or else what, woman?”

She smiled sweetly before answering. “Or else sasabihin ko sa media ang nangyaring marriage proposal mo kay Serena which of course didn’t go well as you expected. Imagine kung magkano ang ibibigay na pera sa akin once I tell them.”

Syempre hindi niya iyon gagawin no! Pero she had to fight back to save herself! The guy just called her a Proud Whore for God’s sake!

The next thing she knew ay nasa tabi na niya ito at hinila ang braso niya. “Wag na wag kang magkakamaling gawin ‘yan.”

“Or what, Mr. Suma cum Laude? You’re gonna slap my face with your diploma from Harvard?” Pilit siyang kumakawala sa hawak nito. Pero tila bakal ang pagkahawak nito sa kanya.

Naglabanan sila ng tingin. Nakikita niyang nagtitimpi lang ito. “No. Ipapakulong ulit kita until you rot in jail.”

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon