Chapter Fifteen - Steamy Conversation

366K 2.8K 100
                                    

Chapter 15



Greg’s POV




Quarter to six na ng matapos si Gabrielle sa pagfi-fit ng mga gowns sa couture shop na pagmamay-ari ng tiyahin niya. They went to Ara’s bakeshoppe para sa kanilang wedding cake, sa Grand Regal Hotel for their reception, sa Scribles and Prints na isang printing press na pagmamay-ari ng pinsan niya para sa kanilang invitations, and last but certainly not the least ay sa Elle’s Couture.

“Bye, Gaby! I will personally design the gown for you!” Nagyakapan ang dalawa na para bang matagal na ang mga itong magkakilala.

“Really, Tita Elle? Well, panatag na ang loob ko. I know I’ll wear the most gorgeous wedding gown ever!” Pumalakpak pa ito habang nakangiti na parang bata.

“Of course, darling. Anything for you and for my favourite nephew! Oy, Greg? Alagaan mo ‘tong si Gaby ha? She’s rare. Maganda, mabait, palaban at matalino. Whole package na kumbaga!” Saad ni Tita Elle sa kanya.

Tumango siya and gave her a reassuring smile. “I’ll take very good care of her.”

Ngumiti sa kanya ang tiyahin at niyakap siya ng mahigpit. “I know you will.”

Ginantihan niya ito ng yakap. Tita Elle was literally his second mother. Wala kasi itong anak kaya tinuon nalang nito ang pansin at pagmamahal sa kanya. They shared secrets with each other when he was still young. They we’re pretty tight at may pagkaselosa ito pag nalalaman nitong may girlfriend siya. Kaya nga laking gulat niya nang tinanggap nito si Gabrielle with open arms.

“Well, you both better get going. It’s almost six at malayo-layo pa ang biyahe niyo. Send my regards to Olive and Goryo.” Sabi ng tiyahin niya.

Nang tinahak na nila ang daan pauwi ay biglang nagsalita si Gabrielle. “She’s beautiful, your aunt. Is she thirty-something?”

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon