Chapter Twelve - Stupid Gaby!

368K 2.8K 117
                                    

Chapter 12

 

 

Gaby’s POV

Hindi parin siya naka-move on sa mga nangyari. Bakit kaya siya nasa kwarto ni Greg? Sa bahay ng mga Hontiveros? Natatandaan niyang kasama niya ang papa kagabi sa hapag kainan. Bakit kaya siya hindi isinama nito pauwi? Baka nainis na naman sa kapabayaan mo kagabi! Patay ka talaga, Gabrielle!

 

 

 

 

Kasalukuyan siyang naglalagay ng shampoo sa buhok ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Dafuq! Hindi ko pala ini-lock? Tanga talaga! Mabilis niyang naitabon sa sarili ang shower curtain.

“GREG! ANO BA! ALAM MO NAMANG NALILIGO PA AKO TAPOS BIGLA KA NALANG PUMAPASOK! I NEED SOME PRIVACY HERE!” Kulang nalang ay kalmutin niya ito.

“Hey! Easy there. Kanina pa nga ako katok ng katok sa pintuan, hindi mo naman ako sinasagot. Akala ko nga nalulunod ka na dito.”

“Kahit na! Dapat hindi ka pa rin pumasok! Teka? Ano bang ginagawa mo dito?” Nakabihis na kasi ito. He wore a yellow polo shirt and denims. Mas lalo ata ‘tong kumisig sa paningin niya.

“Nakalimutan ko ang relo ko. Kukunin ko lang sana.”

“Edi kunin mo na! And please umalis ka na dahil naliligo pa ako.”

“Got it.” Sinuot na nito ang relo pero hindi parin umaalis.

“Well? Ano pa bang hinihintay mo jan? Pasko? Labas na!”

“Actually, I prefer staying here. Mas maganda ang view dito.” Sumandal ito sa hamba ng pintuan, namulsa at ngumingiting pinagmamasdan siya.

“GREG! ISA NALANG TALAGA HA! KUNG HINDI KA LALABAS AY MAKAKATIKIM KA TALAGA SAKIN!”

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon