Chapter 1: Meeting You

424 59 31
                                    

Note: Please kindly read the PROLOGUE first before reading this chapter. Thank you!

***

Sa isang Park sa hindi kalayuan ay matatanaw ang dalawang bata na nakaupo sa duyan na may pagitan na dalawang bakante sa gitna. Mapapansin na sa mga batang naglalaro roon ay sila lang ang walang kausap at kalaro. Tahimik na nagmumuni muni at tila walang paki-alam sa paligid nila.

Sa katahimikang iyon, sa sariling mundo nilang dalawa ay may lumapit na iba pang mga bata sa batang babae.

"Hoy tumabi ka nga r'yan! Kanina ka pa, hindi ka naman natayo sa duyan, ako naman!" Sabay tulak ng ba

gong dating na bata roon sa batang babae. Natumba ang batang babae at bigla na lamang umiyak habang tinatawanan s'ya ng iba pang mga bata na nakaupo na ngayon sa duyan.

Bigla na lamang may naglahad ng kamay sa batang babae. Agad n'ya itong kinuha upang alalayan s'yang tumayo. Inabutan s'ya nito ng panyo. Ito ang batang lalaki na nakaupo sa kabilang duyan kanina.

Lumapit ang batang lalaki roon sa nagtulak sa batang babae.

"Bakit mo naman kailangan manulak, may bakante pa naman sa gitna ah." Kalmado na sabi nito.

"Eh bakit? Sa gusto ko rito eh, saka hindi naman ikaw yung pinaalis ko ah, s'ya naman, ano ka superhero?" Sagot ng tumulak sa batang babae.

"Ahhhh, Oo superhero ako, pero ikaw ang lilipad." Sabi ng batang lalaki sabay tulak ng malakas sa duyan na ikinasigaw ng bata.

Muling lumapit ang batang lalaki sa batang babae na nakatingin lamang rito at nakanganga pa dahil sa ginawa nang batang lalaki.

"A-anong pangalan mo?" Tanong nang batang babae

"Ralph Jacob" Tipid na sagot ng batang lalaki.

"Ako naman si Promise, Nice to meet you!" Nagpapahid nang luha at nakangiti na ang batang babae.

10 years later***

POV: PROMISE

"Ralphhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! bilisan mo na kanina pa ako dito ang bagal bagal mo kahit kailan, ibaon mo nalang yang fried chicken sa school doon mo na kainin late na tayooooooooooooooooooooooo." Sigaw ko habang nakatok sa pinto ng dorm ni Ralph. Bigla naman bumukas ang pinto at binatukan ko na agad ang nagbukas.

"Aray! Ano ba Promise kanina pa nakaalis si Ralph, hindi nga natulog 'yon naglaro lang kagabi ng online games."

"Hala sorry Vince, akala ko ikaw si Ralph, masakit ba?"

"Malamang, nagising nga ako eh, pero mas masakit sa tainga ang sigaw mo."

"Ayyy sorry, teka hindi ka ba papasok?"

"Papasok s'yempre, sabay na tayo bihis lang ako."

"Yuckkkk hindi ka maliligo Vince?"

"Naligo naman ako bago matulog okay na 'yon HAHAHAHA" Sabay lapit ni Vince at akmang ipapaamoy pa kili-kili n'ya.

"Yuckkkkk!!! Kadiri ka, bilisan mo na late na tayo." Sabay tulak ko kay Vince. Doon ko nalang s'ya inantay sa labas dahil dorm 'yon ng mga boys.

Humanda ka sa'kin Ralph Jacob, iwanan daw ba ako eh lagi kami sabay napasok?

I am Promise Guevarra, 17 years old si Vince at Ralph naman ay 18 na pareho, ako kasi ay next month pa. Medyo cute size ako pero hindi naman pandak ha. Mahaba ang buhok na madalas nakaponytail, maputi at may bilugang nangungusap na mga matang bumagay sa inosente at maamo kong mukha, hindi nga lang ganoon katangkaran pero maganda ako no. Yung isa naman kanina ay si Vince, roommate ni Ralph 'yon, medyo habulin ng chicks pero meow meow ako HAHA. Medyo matangkad, maputi, sporty, magaling kumanta at magitara at saka mukhang may lahing korean pero pure filipino. Inaasar tuloy s'ya na ampon dahil walang kamukha sa pamilya nila.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now