Chapter 30 : I Love You Abi

66 17 0
                                    

"Ayun!"

"Shit!" Sambit ko dahil napatayo kami ni Abi noong may ahas na lumapit.

"Takbo Abi." Sabi ko at nanakbo nanaman kami. Kung saan saan na kami nagsususuot at hindi alam kung paano babalik kila Ralph. Gusto kong magpanic pero hindi pwede dahil si Abi ay nasa ganoon ng sitwasyon. Walang signal rito, hindi kami makatawag para humingi ng tulong.

"Po-promise... Yung binti mo." Sabi ni Abi dahil hindi ko namalayan na nagkanda sugat sugat na ito kahahawi sa matatalas na damo.

"Huwag mo akong isipin. Takbo lang Abi, takbo." Sabi ko na hingal na hingal narin.

"Aray!!!" May nabunggo kami baka pwede humingi ng tulong.

"Vince?" Sabi ni Abi at niyakap ito. Umiyak na s'ya ng todo.

"Anong nangyayari sa inyo? Kahit hindi n'yo ako pinayagan sinundan ko parin kayo pero, ba-ba-k-kit naiyak ka Abi? Bakit ang daming galos?"

"Vince tara na may humahabol samin. Saka ko na ipapaliwanag---"

"VINCE!!!" Sigaw ko at ni Abi ng may pumalo ng kahoy sa likuran nito.

"Takbo!" Sigaw ni Vince sa amin habang nakikipaglaban s'ya sa mga ito. Pinagtutulungan s'ya na bugbugin ng tatlo hanggang sa dumating pa yung dalawa na nakangisi sa amin.

"SA-SABI KO TA-TAKBO NA!!!!" Hirap na sigaw ni Vince. Si Abi naman ay pinipilit ko na hilahin ngunit panay ang iling habang nakatanaw kay Vince.

Mabilis na palapit na sa amin yung dalawa pa ngunit bago makalapit ay may kamaong sumalubong sa kanila. Si Ralph at Grey. Pareho na magaling makipaglaban si Grey at Ralph. Ni hindi man lang sila nadaplisan at mabilis na napatumba ang dalawa. Agad na sumugod sila palapit sa direksyon ni Vince. Hinila ni Ralph ang isa at ibinalibag na akala mo eh magaan lamang. Namilipit iyon sa sakit. Dumampot naman si Grey ng isang kahoy at saka iyon inihampas sa walang tigil na nasipa kay Vince. Pinatama ni Grey sa binti nito ang kahoy na nagpasigaw sa lalaki dahil sa sakit.

Naglabas ng patalim ang isa at sumugod sa direksyon ni Ralph para saksakin ito.

"RALPH!!!!"

"Huwag 'yan! Malilintikan tayo kay madam!" Pigil ng isa nilang kasama.

Madam? Sinong madam?

Sinipa naman ni Ralph ang kamay nito dahilan para tumilapon ang kutsilyo.

"Tara na!!!" Sigaw noong isa at agad silang nag-alisan.

"A-ang ta-tagal n'yo." Sabi ni Vince "Nabugbog tuloy ang pogi kong mukha." Pagbibiro nito kahit halos hindi na makatayo. Agad naman s'yang nilapitan ni Abi na iyak ng iyak.

"Vi-Vince.." tawag ni Abi habang nahikbi.

Lumapit naman sa akin si Ralph at niyakap ako ng mahigpit.

"Don't hold back anymore. Pwede ka nang matakot, pwede ka ng magpanic, pwede ka ng kabahan.... Andito na ako..."

At doon na nga nagsimulang mailabas ang kanina ko pang kinikimkim na takot. Umiyak ako ng umiyak sa bisig ni Ralph.

"Ra-ra-ralph..."

"I'm here. I will always protect you Promise..." sabi n'ya habang hinihimas ako sa likuran at tinatapik-tapik. He looked straight into my eyes then kissed me on my forehead.

"Oh my God! Anong nangyari sa inyo?" Gulat na salubong sa amin ni Christine noong makita ang mga itsura namin lalo na si Vince na akay-akay ni Ralph at Grey. Nagsilapitan na rin si Rubie at Hazel. Kitang kita ang pag-aalala sa mata ng mga ito.

Ikunuwento ko naman ang nangyari kila Christine habang nakatanaw sa dalampasigan at si Rubie and Hazel naman ay nag-iihaw. Bumili nalang sila ng panggatong doon sa mga bata na naglalako dahil sa nangyari. Si Grey at Ralph ay umalis saglit upang ireport ang nangyari, may pakalat-kalat na rin na mga pulis sa lugar. Ayon sa kanila ay ngayon lamang nagkaroon ng ganitong insidente. Sigurado na ako ang pakay nila...

"Hindi kaya may stalker ka? May picture eh tapos ayaw ka na masaktan dapat dukutin ka lang." Sabi ni Christine.

"Hindi ko alam...pero sino namang mang-iistalk sa akin? Hindi naman ako kagandahan?" Sabi ko pa na napapaisip.

"Echusera! Ganda-ganda mo kaya." Sabi ni Rubie sabay abot sa akin ng inihaw na hotdog.

"Oh ayan kumain nalang tayo, may bantay naman na kaya wala naman na siguro magtatangka sa'yo." Sabi ni Rubie.

"Yeah... And kung ako nga ang target, ako nalang, ayokong may madamay na iba..." Sabi ko at napabuntong hininga na nakatanaw kila Vince habang ginagamot ni Abi doon sa may tent.

POV: ABI

"Arayy!!! Dahan-dahan naman Abi, samahan mo naman kahit konting pagmamahal pwede? Lalong nasakit mga pasa ko at sugat sa'yo eh." Reklamo ni Vince sa akin.

"Ang likot-likot mo kasi, kaya masakit. Umayos ka nga ng upo." Sabi ko rito dahil sobrang lapit na ng mukha n'ya sa akin at halos hindi na ako makagalaw para linisan yung sugat n'ya.

Sobra akong nag-aalala kanina. Buti na lamang at may lahing masamang damo itong si Vince. May iilan lang s'yang pasa na natamo at maliliit lang tapos ay may sugat lang s'ya sa labi at pisngi pero the rest ay okay na.

"Sus... Grabe mo nga ako iyakan kanina."

"Sabi ko layo---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong yakapin ni Vince.

"A-ano, to-to-topless k-ka." Nauutal at namumula na ako sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

"Please... Let me rest for a while, like this Abi..." At mas hinigpitan pa n'ya ang yakap sa akin.

Nararamdaman n'ya kaya ang mabilis na tibok ng puso ko?

Hinayaan ko s'yang yakapin ako, I was about to hug him also pero s'ya na ang kusang kumalas sa pagkakayakap.

We stared at each other and that moment, parang kaming dalawa lang ang nag-eexist.

"Abi...my love for you before was hidden, but It was never gone...and will never be...I love you Abi..." Sabi ni Vince.

I have so many butterflies in my stomach right now, nagwawala ang mga ito sa tiyan ko. I can't described how happy am I hearing those words from Vince na matagal ko nang inaasam na marinig. I was sooo ackkkkkkkk!!!! parang gustong kumawala ng mga paru-paro sa tiyan ko.

Sasabihin ko na rin ba na gusto ko s'ya? Na never rin nawala ang feelings ko sa kanya? Natatakot parin ako...Pero tulad ng hindi inaasahan kanina na muntik na kaming mapahamak at malala ay bawiin ang buhay namin paano kung hindi na ako mabigyan ng pagkakataong umamin?

I love him more than he does kung alam n'ya lang. I would be happy if he's my first and would be my last...

He cupped my face at unti-unting lumalapit sa akin. He is staring at my face na parang sinusuri ito. He's getting closer and closer as I saw he's adams apple moving like he's nervous and excited at the same time. Tila kinikiliti ako at hindi na mapakali.

3 inches...2...1---

"Ouch!" Sabay himas ni Vince sa noo n'ya.

"WAIT!" Sabi ko sabay tayo. Nagkauntugan pa kami ni Vince sa biglaang tayo ko.

"Meet me at exactly 10:00 PM mamaya, doon sa may gazebo malapit sa dalampasigan. Let's watch the fireworks together." Sabi ko na namumula.

"Really?" Masayang tanong ni Vince na akala mo ay hindi nabugbog kung ngumisi.

"Ma-may sa-sabihin ako mamaya!." Sabi ko sabay takbo palabas ng tent. Muntik ko pa madala yung bulak kaya ibinato ko iyon sa loob ng tent na tumama sa mukha n'yang tulala na nakangiti parin.

-Pencilinfinity8-

Don't forget to leave your comments and vote!

Chasing Promises (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu