Chapter 5: Part 2 - Debut (Last Dance)

172 40 4
                                    

POV: PROMISE

Nakarating na kami sa venue nang aking debut. Nandoon na ang halos lahat nang mga bisita maging si Rubie at Hazel ay nagchichikahan na. Dumiretso muna kami ni Mommy sa dressing room para magfreshen up dahil hassle yung mga naganap kanina. Si daddy naman, Vince and Ralph ay nauna na para abisuhan yung organizer na dumating na ako.

I am currently here now at the back stage of the hall at hinihintay ang hudyat nang emcee bago ako dumiretso sa hall habang naglalakad sa purple carpet. Tama ang nabasa n'yo hindi kayo nagkakamali, purple daw at si mommy nanaman may pakana wala nang iba.

"Ladies and Gentlemen, Please welcome our lovely debutante, Ms. Promise Guevarra!"

"Music Please!" pahabol pa nang emcee

Dahan dahang bumukas ang back draft pati ang purple curtain. Pinagmasdan ko ang Venue, sobrang ganda nang pagkakaayos. Ang hall ay nasa gitna nang garden. Pabilog ito at maraming columns na sobrang classical ang style parang katulad sa ibang bansa. May mga black and purple balloons na nakakalat sa hall. Ang mga table ay pabilog rin na nakapaligid sa center ng hall.

Naglalakad ako sa purple carpet na may mga halaman sa gilid at pinagmasdan ang mga bisita ko na nakasentro ang atensyon sa akin. Si Rubie at Hazel ay pathumbs up- thumbs up pa sa akin. Si Vince nagwave at nakangiti. Si Ralph parang malalim ang iniisip na parang tatagos ang titig sa akin. Nang mapansin n'ya na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti s'ya at tumango sa'kin. Si mommy naman parang naluluha pero nakangiti. Noong nakarating na ako sa mismong table and chair ko na nakalaan talaga para sa akin ay nagpalakpakan ang lahat.

Lumapit sa'kin ang emcee at inabutan ako nang mic.

"May gusto ka ba munang sabihin?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Gusto ko sanang magpasalamat sa mga taong narito at naglaan nang panahon para makadalo." Panimula ko.

"Syempre sayang foods." Singit nung pinaka madaldal sa klase namin.

"Shhhhhhh hindi mo pa moment gurl" Suway nang emcee sa kanya, halos lahat ay napatingin sa kanya kaya parang napahiya s'ya kaya ngumiti nalang. Natawa naman ang iba.

"Continue." sabi nang emcee at sumenyas pa sa akin.

"Inuulit ko, Gusto ko sanang magpasalamat sa mga taong narito at naglaan nang panahon para makadalo, lalong lalo na sa mga kaibigan ko at sa parents ko na talaga namang pinaghandaan ang araw na ito para sa akin. I am not fond with this kind of biggest celebration or event but with you guys, I feel so comfortable and happy. Alam ko na hindi ako nag-iisa. Thank you everyone and please enjoy the night."

Pinaupo naman muna ako nang emcee at saka s'ya lumapit sa mommy ko na nagpupunas na nang luha n'ya.

"Omg huhu, dalaga na ang baby ko. I am so happy for you my princess. Please enjoy your life and do what will make you happy. Be a person who does not tolerate regrets. I want you to be happy always my baby princess." Sabi ni mommy sabay punta sa akin at niyakap ako.

After that ay nag-pray muna ang lahat sa pangunguna ni Daddy. Then nagbigay nang time ang emcee para kumain muna ang mga guess. Lumapit ako sa table nila Mommy at Daddy para mag thank you and nag-ikot pa sa ibang table.

Nakita ko sila Rubie, Hazel, Vince and Ralph na magkakasama sa isang table. Agad ko namang tinungo ang direksyon nila.

"Hi guys!" Masiglang bati ko at nasamid naman si Ralph pagkakita na nandoon ako.

"Ayan katakawan kasi, kahit saan dalhin eh no?" Sabi ko kay Ralph na namumula na sa hiya.

"Happy Birthday Promise! Lets have a toast guys!" Sabi ni Rubie at sinalinan naman nila ako sa baso nang wine. Nakipagtoast ako sa kanila at nagpaalam na dahil magsisimula na muli ang program.

Chasing Promises (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon