Chapter 33: Farewells

47 12 0
                                    

POV: PROMISE

Ngayon ang araw ng lipad ng pamilya nina Abi sa America. Hinatid namin sila kahit na hanggang sa huli ay abo na lamang ni Abi ang aming nakita. Hindi ko alam kung kakayanin namin pero knowing Abi, magagalit lang s'ya at mas hindi matatahimik kung hahayaan namin na maglukmok sa nangyari. Ang sakit lang talaga isipin, alam ko na ako ang pakay ng mga iyon. That wings na palatandaan ng mga criminal na iyon. Hindi ko sila mapapatawad. Kahit gaano katagal, hahanapin ko sila. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala ni Abi...

After namin umalis sa airport ay naiwan pa roon si Vince. Aantayin raw n'ya na makalipad ang eroplanong sasakyan ni Abi. Kahit sa huling sandali. Vince looks wasted. Sabi ni Ralph ay halos hindi raw ito makakain. Madalas na tulala at napapanaginipan si Abi. Minsan ay magigising s'ya na sinisigaw nito ang pangalan ni Abi. He looks fine but miserable inside. Kahit pa na mama na mismo ni Abi ang nagsabi na he needs to move on also. Na dapat ay mas mapabuti s'ya para sa ikagagaan ng soul ni Abi ay hindi ganun kadali. I know Abi's watching us now from above, guiding us, as always. My dearest Abi...hindi ko man lang nasabi na isa ka sa malalapit ko nang kaibigan...

Maya maya ay inabutan ako ni Ralph ng panyo. Hindi ko na kasi napigilan pa ang pagtulo muli ng luha. Ang hirap, sobrang biglaan at hindi inaasahan.

"Shhh, stop crying, paano ako aalis n'yan mamaya?" Sabi ni Ralph. Yes aalis na rin si Ralph mamaya dahil sa Manila na s'ya mag-4th year. Tumawag nanaman kasi ang Tita n'ya at kailangan na raw ng Daddy n'ya ang tulong n'ya sa pag-aalaga sa mommy n'ya. Ayaw ko rin na magkalayo kami pero hindi ko naman maaring ipagdamot s'ya sa pamilya n'ya.

Mas namuo muli ang aking mga luha noong matitigan ko s'ya. Ralph used his thumb to wipe my tears away. Hinawakan ko ang kamay n'ya na nagpupunas sa mga luha ko.

"Ralph, please...mangako ka na you will not cut our communication. Lagi kang tatawag h-ha?" Humihikbing sabi ko.

"I promise..., I will also go to your graduation, pangako." Sabi ni Ralph and held my hand instead. He leaned closer and kiss me on my forehead.

Lumipas ang ilang mga araw at buwan, ay mas nagiging okay na ang lahat. Pero hindi parin ako natitigil sa paghahanap at pilit na tinitrace ang mga taong may kaugnayan sa wings na markang lagi kong nakikita tuwing nalalagay kami sa peligro at ang nakaukit sa sasakyan na bumangga kay Abi.

Two months na simula noong umalis si Ralph. Tuloy tuloy ang communication namin pero ngayong week ay hindi pa s'ya nagpaparamdam. I checked again my phone for messages or missed calls from him pero wala. Sige na nga ako na magbababa ng pride ko ngayon.

To Ralph: Hey, bakit walang paramdam?

You cannot message this person now. You have been blocked.

What??? I tried texting him and calling through sim too pero hindi ko na s'ya macontact. What the h*ll is happening?

Sinusubukan ba talaga ako ng Ralph na to? Still maraming araw ang lumipas, naging busy ako sa research paper ko at umaasa na baka s'ya rin ayaw ng istorbo pero wala, kahit sila Vince, Hazel, Rubie at Christine ay hindi na macontact si Ralph. Si Grey naman ay umuwi rin sa probinsya nila. Doon n'ya raw tatapusin ang research paper n'ya habang inaalagaan ang daddy n'ya na may sakit. He is also unreachable. Wala raw kasi signal roon.

"Wala parin bang balita kay Ralph? Nag-aalala na tanong ko kay Vince.

"Sorry Promise, hindi ko talaga macontact si Ralph." Sagot ni Vince.

"Mahirap hanapin ang taong nagtatago Promise." Sabi ni Hazel.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakausap ko na si Grey. Maayos raw ang lagay ni Ralph. Nakita n'ya sa mall noong dinala n'ya sa hospital sa Manila ang daddy n'ya. Pero hindi raw s'ya pinansin ni Ralph." Sabi ni Hazel.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now