Chapter 14: Orcad's School Fair: Day 1 (Part 2)

78 30 3
                                    

Yellow Umbrella at the Ice cream Store
By: Abi

Original Lyrics written by: Pencilinfinity8

Lyrics: "It was in the middle of summer
I am walking as a loner
But the rain suddenly pours
So I ran into the Ice cream Store"

"While waiting for the rain to stop
I saw a boy and my eyes got stocked
Something in me just unlocked
Please let me know is this my luck."

Alam ko na obvious naman na nagawa ko yung kanta para kay Vince. Alam kong alam niya. Sjya lang ang nakakaalam. Kaya naman pilit na iniiwasan ko na mapalingon sa kanya habang nakanta. Itinuon ko nalang ang atensyon ko kila Promise na nagchecheer sa akin. Si Grey naman nakangiti rin sa akin habang nanonood nag thumbs up pa siya.

"Ang galing mo Abiiiii" Sigaw ni Grey na ikinagulat pa ng iba na nanonood. Sa bagay bagong mukha kasi.

Lyrics: "Every day I hope it rains
So on Ice cream Store I can see you again
Even if it's cold I'm eating Ice cream
As my heart it's you that it screams"

Nako masiyu pa ako dito eh. Umiling naman ako na nakatingin kay Grey at alangan na nakangiti habang nakanta. Napansin ko na hindi na siya sa akin nakatingin at parang nang-iinis na nakangiti habang nailing iling. Nang lingunin ko kung saan siya nakatingin ay What the heck? Iniinom ni Vince yung bottled water na bigay ni Grey.

Nakita ko naman na nakikipagtitigan rin si Vince kay Grey habang tinutungga yung bottled water na naubos niya at take note niyupi niya pa bago inihagis sa basurahan sa baba ng stage. Nilingon ako ni Vince at tiningnan ko siya ng nagtataka.

Lyrics: "A day I forgot my yellow umbrella
And the dark nights coming at the street of Stella
Can't stay any longer must go home to Villa
So with rain I need to run faster
Ready to face the lightning's thunder"

"Para sa akin 'yan diba? Bakit sa iba ka nakatingin habang kinakanta?" Sabi ni Vince na sakto lang para marinig ko. Halos mawala ako sa tono ng sarili kong kanta. Buti na lamang at sarili ko iyong gawa kaya walang nakahalata.

Lyrics: "Suddenly a hand pulls to stop me
He gave his umbrella to me
Smile then run away, his last run away from me"

Para akong namagnet at hanggang sa matapos ang kanta ay nakatitig kami sa isat isa.

Lyrics: "After my umbrella is gone
It's him, the next who left me
While waiting at the corner
Looking at the yellow umbrella that he lend me,
At the rainy days in Ice cream Store,
The boy that I'm unexpectedly falling to,
I cannot see him, anymore."

Ano bang problema niya? Bakit siya ganyan? Alam niya naman na may gusto ako sa kanya. Sinabi niya na wala akong pag asa sa kanya pero bakit mo ako binibigyan ng pag asa sa bawat kilos mo at salitang binibitawan sa akin. Ano ba talaga Vince? Naguguluhan na tanong ko sa isip ko.

Matapos noon ay pababa na kami ng stage ni Vince. Doon na kami bumaba sa gilid na hagdan at hindi na sa back stage para diretso na kila Promise. Nagulat naman ako ng sumulpot si Grey. Kinuha niya yung dala ko ng gitara. Well medyo malaki kasi talaga 'yun saka mabigat pero keri ko naman.

"Ako na magbitbit nito. Itotour mo pa ako diba?" Sabi ni Grey habang sinusukbit sa likod niya yung gitara ko.

"Ah okay pero kain muna tayo kasi Volleyball na mamaya nagugutom na ako." Sabi ni Abi.

"Pakidala." Parang naiinis na sabi ni Vince kay Ralph at nagulat naman si Ralph ng ibigay sa kanya ni Vince yung gitara niya. Nauna na ito sa paglalakad sa amin.

"Sino nga pala ito Abi?" Nagtatakang tanong ni Christine.

"Ahh, doon ko na ichichika sa room. " Sabi ko at nauna na sa paglalakad.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now