Chapter 16: Orcad's School Fair: Day 1 (Part 4)

91 23 2
                                    

POV: RALPH

Unti-unti na nag-alisan ang mga tao at bumalik na ulit sa panonood sa laro. Pero nandoon parin ang bulong bulungan tungkol kay Maya.

Natigilan ako ng maalala na nasugatan nga pala si Promise. Hinila ko siya para maupo ulit sa pwesto niya.

"Wait here, just going to get medicine to treat your wound." Sabi ko.

"Scratched lang to akala mo naman malala." Angal pa ni Promise pero hinihipan yung sugat niya at namumula. Feeling strong eh naalala ko noong bata pa kami takot na takot pag nasusugatan.

"Oh really? " Natatawa na tanong ko sa kanya.

"Sige na kunin mo na kukunin mo!" Biglang sabi nito at nakipagkwentuhan na kila Hazel na kakababalik lang at hindi alam nangyari kaya panay tanong kay Promise.

Idinaan ko na rin sa professor na kasama namin kanina yung bottled water para narin mapacheck nila dahil baka magkaroon pa ng side effects kay Grey ng hindi mamalayan.

"Come closer, paano ko malilinis ng ayos 'yan?" Imbis kasi na lumapit ay lumalayo si Promise habang nililinisan ko sugat niya.

"Dahan dahan naman kasi."

"Akala ko ba scratch lang to sabi mo?" Pang - aasar ko pa.

"Akina nga 'yan!" Mabilis na inagaw ni Promise yung betadine na hawak ko.

"Sorry sorry!!!" Nagpapanic na sabi niya dahil tumapon sa akin yung betadine. "Hindi mo naman kasi sinara pala."

"Ako pa talaga sinisi mo Promise?" Sabi ko at masamang nakatingin sa kanya.

"Anyare-- HAHAHAHHA!" Tawa ni Rubie ng makita itsura ko. Si Promise imbis na mukhang nagsisisi ay halatang nagpipigil ng tawa.

"Shet Ralph mukha kang dinuguan HAHAHAHA." Sabi ni Rubie.

"So grossed." Sabi ni Christine sabay bato ng tissue sa akin.

"Sorry talaga." Nilagyan na ni Promise ng band aid yung sugat niya saka dinampot yung tissue.

Nagulat ako ng bigla niya punasan yung mukha ko habang sinisipat yung tilamsik ng betadine.

"Hey, you're-- you're too closed, back off a little bit." Naiilang na sabi ko kay Promise.

"A-Arte, kanina ako pinapalapit mo riyan." Sabi ni Promise habang malapit sa akin.

POV: PROMISE

Pinupunasan ko yung mukha ni Ralph nang napansin ko na nakatitig lang siya sa akin. Medyo nakaramdam ako ng kaunting ilang. Pareho kaming napaiwas ng tingin ng magtagpo ang mga mata namin.

"A-ako na." Sabi ni Ralph sabay agaw sa akin ng tissue.

"Ano ba Ralph doon ka sa locker magbihis wag ka nga magkalat dito." Sabi ko dahil bigla niya hinubad shirt niya na natapunan ng betadine.

"Lalaki naman ako saka wala pa akong pamalit." Sabi nito.

"So okay lang sa'yo pagpiyestahan ng mga mata nila?" Tanong ko dahil yung mga babae at pusong babae na nanonood ng laro ay sa kanya na nagpapantasya. Kainis.

"Alam mo password ng locker ko diba? May oversized shirt ako doon kasya sa'yo." Magbihis ka sabi ko sabay bato ng med kit sa kanya. "Pakibalik na rin 'yan at naiiritang nagpalibot ng tingin sa mga nagpapatansya sa kanya.

"Bilisan mo na! Wala ka namang abs!" Sabi ko pa.

"Okay - okay! What's with the rush? " Naiiling na sabi ni Ralph saka umalis.

Napahawak ako sa pisngi ko dahil naramdaman ko na namula iyon. Goshhh ano ba nangyayari sa akin?

Tapos na ngayon ang laro ng Men's Volleyball at susunod na sila Abi.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now