Chapter 21: Misunderstanding

85 21 3
                                    

POV: VINCE

Unti - unti akong napaatras at hindi ko na alam kung saan na ako napunta. Natanaw ko naman si Promise. Nandoon parin s'ya sa may wedding booth area. Mag isa na ito at umiiyak, halata ito dahil sa pag hikbi niya kahit pa na naulan.

Bakit naiyak si Promise? Nasaan si Ralph?

Pinuntahan ko siya at iyak ito ng iyak.

"Nasaan si Ralph? Bakit ka naiyak?" Tanong ko kay Promise.

"So-sorry Vince ha si Ralph pinili ko ka-kas-kaso hi-hindi niya daw ako gu-gusto." Humihikbi na sabi ni Promise.

"Huh? Akala ko ba magtatapat s'ya sa'yo? Anong nangyari?"Nagtatakang tanong ko. Anong kalokohan naman ni Ralph to?

"A-akala ko rin." Sabi n'ya sabay lalong umiyak ng malakas saka yumakap sa akin. Hinaplos ko naman s'ya sa kanyang ulo at pinapakalma.

"I can't understand. Ang usapan namin ni Ralph magtatapat kami sa'yo."

"Kayo?" Takang tanong ni Promise at tumingala habang nakayakap sa akin.

"Yeah, I thought my feelings for you is something romantic, but then I realized that it's more like a sister and brother relationship that I'm looking forward for us." Then after saying that naliwanagan ako. Kulang lang ako ng acceptance dahil laging in denial but as I look at Promise, nothing more special.

"Then what made you realized that? Dahil si Ralph ang pinili ko?" Nagpupunas na ng luha na tanong niya.

"It's Abi, her tears made me realized how stupid I am." Then nagflashback sa akin yung scene nila kanina ni Grey. I hope I still have a chance. Sana Hindi pa ako huli.

Bumitaw na sa pagkakayakap sa akin si Promise.

"Sabi na eh, Nakita ko kung paano mo s'ya tingnan at magselos kapag nalapit si Grey." Sabi ni Promise at ngumiti.

"Maybe ganun rin si Ralph, bago siya magtapat kagaya mo, napagtanto niya na hindi niya rin pala talaga ako gusto. Sakit nga lang kasi asang asa na ako haha." Sabi ni Promise at may butil nanaman ng luha na pumatak.

"Sige uuwi na ako. Pagod na pagod na kasi ako kakaisip ngayong gabi kung anong mali at kulang sa akin..."

"Ihahatid na kita." Nag-aalalang sabi ko pero umiling lang Ito at naglakad na palayo.

Kailangan Kong makausap si Ralph. Alam kong may reason siya kung bakit n'ya to nagawa kay Promise.

Saksi ako kung gaano niya kagusto si Promise. Isa siya sa tumulong sa akin para maamin ko sa sarili ko na gusto ko si Abi. Ngayon ako naman gagawa ng paraan para sa kanila ni Promise. I know that both of them has the same feelings. I will surely make a way for them.

Wow lang ha, lakas ko naman po hindi ko nga maisip paano ko na haharapin si Abi. Napailing ako ng pumasok iyon sa isipan ko.

Halos wala ng natira na estudyante sa school. Mga nagliligpit nalang ng mga ginamit sa mga booth ang naiwan roon. Sila Rubie, Hazel at Christine naman ay dumeretso na daw ng uwi dahil magkakasama naman daw ako si Ralph, Promise at Abi.

Kung alam lang nila ang nangyari...

Pagkarating na pagkarating ko ay sinalubong agad ako ni Ralph.

"Nakita mo ba kanina si Promise? Naihatid mo ba siya? Kung hindi, sino kasabay nyang umuwi?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Ralph.

"Oh? Iniwan mo kanina tapos ngayon concern ka?" Sabi ko rito.

"Let me--"

"Sabi mo magtatapat ka na diba? Anong ginawa mo? Alam mo ba kung gaano nasaktan si Promise sa ginawa mo ha Ralph? Anong pumasok d'yan sa kukote mo? She chose you, no hindi hindi, It's you from the beginning, and she doesn't need to make a choice because it's always been you." Litanya ko rito.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now