Chapter 31: Fireworks Display

55 14 2
                                    

POV: ABI

It's already 10:00 pm and nakaupo kami ngayon sa dalampasigan habang inaantay ang fireworks display. Medyo naantala raw kasi ito dahil may kailangan na ayusin sa display. Narito na kaming lahat pero wala parin si Ralph at Vince. Saan naman kaya nagpunta ang dalawa na 'yun?

"Promise may sinabi ba sa'yo si Ralph kung saan sila pupunta? Bakit wala pa sila magsisimula na ang fireworks display oh." Tanong ko kay Promise dahil nag- aalala rin ako na baka maulit yung may sumugod na mga hindi kilalang lalaki sa amin at napahamak na pala yung dalawa.

"Ano ka ba, antay antay lang at mamaya nariyan na 'yun." Sabi ni Promise na nakangiti sa akin.
"Oh ayan na pala sila eh", sabi ni Christine habang kumakain noong inihaw na marshmallows.
"Oh tig-iisa tayo." Sabay inabutan naman kami ni Hazel at Rubie ng lusis para sindihan kasabay ng fireworks display na magaganap.

"BOOM!"
Kasabay nang pagsindi namin ng lusis ay ang pagliwanag sa kalangitan. Sina Rubie at

Christine ay masayang nagtatawanan. Si Grey at Hazel naman ay busy sa pag-iihaw habang nanonood rin sa fireworks. Si Grey ang dakilang taga-ihip sa baga. Napuwing pa nga si Hazel tapos ay napansin ko na namula ito nang hipan ni Grey ang mata n'ya na napuwing. Si Ralph at Promise ay nakasandal sa balikat ng isat-isa habang payapang tinatanaw ang pag-iiba iba ng kulay sa madilim na kalangitan habang si Vince...

"Pwede ba Vince doon ka nga sa fireworks tumingin?" Sabi ko rito dahil ako ang tinititigan n'ya imbis na yung fireworks display.

"Mas gusto kasi kitang tingnan."

Nagtakip naman ako ng mukha ko sa sinabi niya. Habang umarte na nasasamid ang mga kaibigan namin. Alam ko na kahit madilim ay kitang kita kung gaano na ako namumula ngayon sa sobrang kilig. Para namang katapusan ko na, sobra sobrang blessing naman ito. Supportive na mga kaibigan at sinagot na ang dalangin kong makahanap ng lalaki na para sa akin. Ito na ba talaga 'yun lord? Kung ito na nga pwede n'yo na akong kuninnnn!!!. Chost!

"Paano mo makikita yung surprise ko kung nakatakip ka d'yan?" Sabi ni Vince at unti unting tinanggal ang pagkakatakip ko ng mga palad ko sa aking mukha. Kasabay noon ay tumingala ako sa langit at –

BOOM!" Sa pagputok muli ng mga fireworks,

"VINCE LOVES ABI SO MUCH!" Iyon ang mga katagang nakasulat sa madilim na kalangitan kasabay ng makukulay na paputok. Mabilis man na naglaho ang mga letra subalit tumatak na iyon sa aking puso. Naghiyawan naman ang mga kaibigan namin noong nabasa rin nila iyon.
"Kaya naman pala naantala ang fireworks!" Sabi ko kay Vince at hinampas ito nang mahina. Sobrang saya ko. Niyakap ko si Vince at bumulong.

"I love you Vince..."

Boom! At kasabay noon ay tunog ng sunod sunod na fireworks display.

"ANONG SABI MO?" Halos pasigaw na na tanong ni Vince dahil sa ingay ng fireworks.

Ang bingi naman nito. Nahihiya na akong ulitin.

"I Love You..." Halos pabulong ko na sabi ulit.

"ABI LAKASAN MO, HINDI KITA MARINIG." Reklamo nito.

Pero dahil nahihiya na ako ay hindi ko na inulit.

"Ewan ko sa'yo, Ang bingi mo!" Sabi ko rito.

"Ano na pala yung sasabihin mo sa akin?" Tanong ni Vince noong humupa na ang ingay. "Bakit mo ako pinapunta rito?" Nang-aasar na tanong nito habang nakangiti.

"A-alam mo na iyon, ayoko na ulitin." Sabi ko na nauutal-utal pa.

"Sigeeee naaaa, Ulitin mo na, gusto ko marinig." Nakangusong sabi ni Vince pero tinalikuran ko na ito dahil ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko. Bigla n'ya naman ako niyakap mula sa likuran.

"Hu-huy bi-bitaw." At pilit inaalis ang pagkakayakap n'ya sa akin. Ngunit ipinatong lamang nito ang kanyang baba sa balikat ko habang nakayakap parin.

"Aantayin ko na marinig mula sa'yo Abi. Kahit hanggang kailan." Sabi ni Vince. Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng hininga n'ya malapit sa tainga ko. Hindi ako makagalaw. Sobrang saya ko.

Hindi mo naman kailangan maghintay ng matagal Vince. Sasabihin ko rin pero hindi sa ngayon. Buset kasi na fireworks nakakahiya magpaulit-ulit. Kaya take note, huwag magtatapat kapag hindi pa tapos ang fireworks display.

"Thank you Vince..." Sabi ko sabay harap sa kanya at niyakap s'ya ng mahigpit.

POV: PROMISE

"Tingnan mo itong dalawa, hindi na magkaintindihan sa lakas ng fireworks, doon ba naman pumwesto sa malapit sa fireworks eh." Sabi ko kay Ralph habang pinagmamasdan si Abi at Vince.

"Kawawang Vince, kapag sinagot na ni Abi hindi n'ya maririnig ang matamis na I love you ni Abi HAHAHA." Natigilan naman ako noong napansin na nakatitig lamang sa akin si Ralph at umiiling-iling.

Flashback (Fireworks display on EK)

"Ralph took a step closer to me. I can see his adams apple moving. He took a deep breath.

"Promise, I hshshshshshshs and snsnsns will sjjsjsjsjsjs always be."

Kasabay ng pagsabi noon ni Ralph ay ang mga tunog na nakakabingi mula sa fireworks display.

"HUH? HINDI KO NARINIG, PWEDE PAULIT, INGAY KASI NG FIREWORKS EH." Sigaw ko kay Ralph kahit nasa harap ko para marinig niya dahil maingay yung fireworks.

"What the, I said I - jsjsjsbsjan"

End of Flashbacks

Natawa naman ako noong maalala ko iyon at si Ralph ay nailing-iling.

Pero teka, ano nga ba kasi yung sinabi n'ya noon?

"Sige tawanan mo lang ako Ralph." Sabi ko rito sabay irap.

"Ito naman ang cute cute mo talaga asarin." Sabi nito sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.

"Eh ano nga kasi yung sinabi mo noon?"

"Sabi ko I like You, I like you and will always be. Pero ngayon bale wala na 'yun."

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi ngayon, I love you na. I love you and will forever be." Sabi ni Ralph at palapit na nang palapit sa akin.

Hindi ako makagalaw sa kilig at nakatitig lang sa kanya. He's face is an inch away from mine.

"A-aray!" Reklamo ni Ralph at hinimas himas ang noo n'ya.

"Tama ka na, abuso." Sabi ko rito nang natatawa.

"Ang sakit kaya."

"Sus arte mo!" Sabi ko rito.

"Pe-pero--" Hindi n'ya natuloy ang sasabihin n'ya noong nag tip toe ako to kiss him on his forehead. Natatawa ako sa itsura n'ya. He was caught off guard. Nanlalaki ang mga mata sa gulat. Nakatulala at unti-unting sumilay ang matatamis n'yang ngiti bago unti-unting napa-upo sa buhanginan dahil sa nanlambot ang mga tuhod. Nagtawanan naman kami sa iniasta ni Ralph. Si Vince ay kinukulit si Abi na i-forehead kiss man lang rin daw s'ya hindi daw s'ya magha-hyperventilate sa kilig. Pero ayaw ni Abi kaya parang bata na nagmamaktol si Vince.

"Tawang tawa?" Sabi ni Ralph at nagulat ako noong higitin ako nito. We're now both rolling at the seaside kakatawa at kakakiliti sa isat-isa.

"A-aray!"

"Oh Hazel, ayos ka lang?" Tanong ko rito dahil naglalakad na kami ngayon pabalik sa Tent.

"Nakaapak lang ng matalas." Sabi nito at iniangat ang isang paa n'ya.

"Nabubog ka Hazel." Sabi ko rito. "Mukhang malalim wait---"

Pero bigla nalang s'ya binuhat ni Grey.

"Ha-ha-la hindi na Grey." Nahihiyang sabi ni Hazel.

"Just don't be so malikot." Sabi ni Grey na diretso nang umuna maglakad buhat-buhat si Hazel.

Nagkatinginan naman kami na magkakaibigan. Mukhang may bagong lalayag ah.

Safe sailing!

-Pencilinfinity8-

Don't forget to leave your comments, vote and share Infinities! Mwah.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now