Chapter 9: Haunted House

111 33 4
                                    

POV: PROMISE

Sobrang tawang tawa ako ngayon sa isip ko sa kwento ni Ralph. Sobrang aga ng karma n'ya sa pantitrip sa akin. Kaya daw s'ya nag cap ay dahil sa napanaginipan niya si Abi na kinalbo s'ya.

"Ano pinapatawad mo na ba ako? Ayan ha, sa'yo ko lang kinuwento 'yan." Sabi ni Ralph habang ako kunwari ay galit parin pero nagpipigil na ng tawa ko.

"Kulang pa eh." Sagot ko naman.

"So ano pa nga gagawin ko?" Halatang inis na rin si Ralph.

"Sabihin mo muna, Please Master. With feelings." Sabi ko na bumabawi sa pantitrip sa kanya.

"Ayoko."

"Edi wag, bye." Sabi ko at tinalikuran siya.

"Please master." Agad akong napangiti at napalingon sa kanya.

"Ano ulit? Medyo mahina eh. Pwede paki-ulit?." Pang-aasar ko pa.

"Sorry na Promise hindi na mauulit. Please master." Sabi ni Ralph sabay pout. Cute cute hahahaha!

"Ayieeee, bati na silaaaaa." Kantyaw ni Rubie at Hazel na naglalakad rin sa hallway. Pulang pula naman si Ralph ng napansin na marami pala nakarinig sa kanya ng sabihin niya iyon.

Nakatingin naman ako sa iba pa ng mapansin sa karamihan si Maya. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o masama talaga tingin niya sa akin kanina dahil ngayon ay nakangiti na ito.

"Oo bati na, Tara na at baka malate tayo ikaw ulit sisihin ko." Sabay hatak kay Ralph at nabigla naman ito. Sumunod naman na sila Rubie at Hazel.

Pagdating sa room ay naroon na si Abi, Christine at Vince na nagkukwentuhan. Hindi ko alam anong topic pero halata na pikon na si Vince at mukhang pinagkakatuwaan siya noong dalawa. Kumaway naman sila ng makitang papasok na kami sa room.

"Ang tagal tagal n'yo naman." Reklamo ni Vince na nakabusangot.

"Yung isa kasi riyan, dami request." Bulong ni Ralph.

"Anooo?" Tanong ko kay Ralph habang pinanlalakihan ng mata.

"Wala sabi ko bati na tayo." Sabi ni Ralph at tumawa lang ako.

"Please master. HAHAHAHHA" Panggagaya ko sa kanya kanina. "Sayang walang video HAHAHA." Sabi ko pa at nagtawanan kami.

Napatingin naman ang lahat nang lumagabog bigla ang table ni Maya. Napatingin kami sa kanya pati ibang kaklase namin.

"Sorry" mahinhin na sabi niya at marahang naupo at ngumiti. Binalewala naman iyon ng iba naming kaklase pero kami nila Ralph, Vince at Hazel ay nagkatinginan. Mukhang pare pareho kaming may napapansin na kakaiba.

Nagsimula na ang klase at ayon nagbigay nanaman ng mahabang short quiz kuno ang teacher namin.

Si Rubie at Hazel seryoso sa pagsasagot si, Vince ay ayun sige tanong kay Ralph, si Ralph naman ako kinukulit dahil wala daw siya sa focus at hindi nakareview kakaisip sa galit ko. Pero wag ka perfect ang quiz. Sabi sa inyo eh kahit tulog pa 'yan kapag tinawag makakasagot.

Lunch na at pupunta na kami sa cafeteria. Bigla na lang lumapit si Maya.

"Pwede sumabay? Tanong ni Maya at dahil sino ba naman kami para tumanggi kaya tumango nalang kami.

"Sama sama kami sa isang mahabang table. Si Hazel nakikipagpalitan Ng tingin sa akin samantala si Vince ay iningunguso si Maya kay Ralph.

"Order na tayo guys, gutom na us." Sabi ni Abi at hinila na si Christine. Ang dalawa na walang kamalay malay sa kaweirduhan ni Maya dahil transferee nga.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now