Chapter 17: Orcad's School Fair: Last Day

82 23 2
                                    

POV: RALPH

Maaga ang game namin for Basketball ngayon pero hindi ako makapagfocus ng ayos sa laro. I received a text message from my Tita Lyneth last night pagkarating ko sa dorm. Mukhang mapapaaga ang punta ko sa Manila para doon na mag-aral. Nalaman kasi ni Tita na may sakit ang mommy ko and she needs therapy para madaling makarecover. Nadulas pala siya one time sa comfort room and nabalian siya sa may bandang hita. Hindi siya makalakad at nakawheelchair until now dahil sa sakit. Actually kay Tita ko lang rin nalaman dahil ayaw siguro nila Daddy sabihin at baka maabala ako sa pag-aaral so I called agad agad para kamustahin si Mommy. Because of that may Tita insisted na sa Manila na ako magtuloy ng pag-aaral to help her look for my mom since dad really needs to work on his company. Masyadong malalim ang iniisip ko ng marinig ko ang nangingibabaw na pagcheer sa akin ni Promise.

"Go Ralphhhhh Cutieeee!!!! Kayang kaya ninyo yannn." Sigaw niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. My heart beats faster. Manalo man ako sa game na to, alam kong pagdating kay Promise talo ako. I won't deny it anymore. I like her. No, I love her, but I need to leave her.

Naghiyawan ang mga tao ng ilang segundo nalang bago matapos ang oras. One of my teammates put a bet on me and passes me the ball. I received it and did a jump shot.

With that, I made a three points shot. I heard the crowds cheering. Bumalik na ako sa bleachers. Tapos na ang laro.

"Sayanggggg!!! Kung hindi ba naman kayo inindian nung substitute player natin panalo sana kayo." Sabi ni Promise ng salubungin ako.

"Well that's life, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nananalo." Sabi ko nalang sabay kuha nung hawak niya na mineral. "Thank you" sabi ko pa bago ito ininom.

"Hoyy, hindi ko naman sa'yo binigay 'yan. Basta basta nakuha sa'yo 'yan?" Sabi ni Promise.

"Bakit, kanino mo ba dapat ibibigay?" Taas kilay ko at akmang ibubuga sa kanya yung naipon na tubig sa bibig ko.

"Ehehehe, sa'yo nga." Sabi nito sabay tago sa likod ni Vince.

"Okay lang 'yan, bawi ka nalang next school fair."Sabi ni Vince sabay tapik sa balikat ko.

Next time huh, yeah in another school.

Napatingin ako sa kanilang dalawa ni Promise. Hindi pwede to. I need to confess my feelings for Promise. It's now or never.

Magsisimula na ngayon yung sa track and field bale pinagsama na nila yung babae at lalaki na player sa first half ay unang tatakbo yung mga lalaki bago ipapasa sa girls yung baton bale relay ang magaganap. It is called Sprint (Athletics) - running event over short distances, such as 100m, 200m and 400m. Sila Promise ay 100m lang naman ang tatakbuhin. Nagsimula na ang laro, habang hinihintay ni Promise na dumating sa kanya si Shun ay halatang naiinip na ito. Medyo mabagal kasi ito kumpara noong nagtatraining sila.

"Hoy Shun! Huwag mo na nga ako inisin! Para kang pagong!!"Naiinis na sigaw ni Promise na sobrang lakas akala mo naka megaphone. Natawa naman ang mga nakarinig kay Promise.

Napabilis naman ng takbo si Shun sa gulat sa sigaw kay Promise.

Halimaw talaga pagdating sa sports niya. Naalala ko pa nung elementary kami. Pinilit niya ako isali sa relay nila kasi nagkasakit yung isa nilang kateam. I'm really not into that, that time pero dahil makulit siya ay sumali nalang rin ako pero instead na manakbo ay para akong naglalakad sa buwan. Galit na galit siya sa akin tapos ay nagulat ako ng tumakbo siya palapit. Guess what? Inaba niya ako sabay takbo kahit hirap na hirap. Medyo nahiya ako noon kaya agad akong bumaba at mabilis na nanakbo sa finish line. Well, hindi niya naman siguro bababahin si Shun like what she did to me before right? May hiya naman na siguro 'yan college na eh.

Chasing Promises (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora