Chapter 28: Fries Vs. Sili

55 16 0
                                    

"Surprise!!!!" Sabay paputok noong party poppers. Bumungad sa akin sila Abi, Hazel, Christine, Rubie at Vince na may hawak na mga bulaklak. Isa-isa silang lumapit upang iabot iyon.

Lutang parin ako sa nangyayari at hindi makakibo nang maisip na tingnan kung sino ang walanghiyang may pakana nito.

(Side eye)

"Y-yo-you.."

Si Ralph.

"So-so-rry... Natakot ba kita?" Tanong ni Ralph nang mapansin na tinitingnan ko s'ya.

"SIRAULO KA TALAGA! AKALA KO MAMAMATAY NA AKO! MAY PA-KIDNAP KIDNAPAN KA PA EH KUNG INATAKE AKO SA PUSO AT NAMATAY HA? AYOKONG MAMATAY NA DAIG PA MATANDANG DALAGA! sigaw ko kay Ralph noong matauhan na sa nangyayari.

"A-ano--" naputol ang sasabihin n'ya nang yakapin ko s'ya bigla.

"Ang sama mo! Hindi ka nagrereply akala ko kung napaano ka na." Sabi ko na paiyak na.

"Easyyyy. HAHAHAHA!" Sabi ni Vince at nagtawanan sila.

"Ahh, ah-haha. Pwede paiwan na kami? We need some space." Sabi ni Ralph na nagpipigil pa ng tawa habang napapakamot sa ilong n'ya.

Pinagmasdan ko ang paligid, pagkaalis na pagkaalis nila Abi. Kami nalang ang naiwan ni Ralph at lumiwanag ang paligid. Nasa gitna kami ng naka- crecent moon formation na mga kandila. There are rose petals too na nagkalat at mga stars kapag tumingala ka. Kitang kita rito ang eclipse na nagaganap.

Inalalayan n'ya akong maka-upo. Ang lamesa ay puno ng masasarap na paborito kong pagkain. Nagningning ang mga mata ko at tumunog ang tiyan sa gutom.

Spaghetti, Shawarma Saladdddd, Fries na sinasawsaw ko sa malamig na coke! Strawberries, pininyahang manok at iba paaaa...

"Hindi ko ganoon kaalam ang mga favorite na foods mo sa tagal na nating magka-ibigan." Sabi ni Ralph.

"Ganyan ka naman, cravings mo lang alam mo. Damot pa." Sabi ko sabay irap.

Inilayo n'ya naman sa akin yung spaghetti.

"Sabi ko nga ang bait mo hehe." Sabay hila sa spaghetti palapit sa akin.

"Paano ko malalaman eh lahat naman yata paborito mo."

Napaisip naman ako sa sinabi n'ya. May point nga naman s'ya.

"So ano naman itong pakulo mo na'to?" Pagtataray ko pero deep inside.

Shetttt tinatablan na ako ng kiliggg. Ganito pala ang feeling lalo na kapag galing sa nerbyos na akala ko katapusan na ng buhay ko kanina.

Aba hindi pa nga ako nagkaka-lovelife kukunin na agad?

"Alam kong alam mo na pero sigee. It's a date and a formal confession." Sabi ni Ralph and sasandok palang ako ng spaghetti nang kunin n'ya ang kamay ko.

Ralph naman nagugutom na ako. Hindi ba pwedeng kumain muna?

Ayun na nga at tumunog ang tiyan ko habang hawak ni Ralph ang kamay ko at seryosong nakatingin sa akin.

"So-so-rry, hindi kasi ako nakakain ng maayos kanina kakaisip sa'yo--" Napatakip ako ng bibig ko at si Ralph naman ay ngiting ngiti.

"Sige kain ka na."

Nagsimula naman na ako nang mapansin na nakatitig lang siya sa akin.

"I-ikaw? Hindi ka ba kakain?"

"Busog na ako makita lang kita." Korning sabi n'ya habang nakangiti.

"Ehe-ehem-ehem." Nasamid ako sa mga lumalabas sa bibig n'ya hindi naman s'ya ganyan dati. Nagiging corny ba talaga kapag inlove?

"Ano namang akala mo sa akin pagkain?" Tanong ko nang mahimasmasan.

"Pwede..."

"Ehe-ehe-ehemmmm!!!" Ubo ko lalo sa sagot n'ya.

"Here's the water." Abot nito pero tawang tawa.

"Papatayin mo ba ako sa kakornihan mo?"

"Corny? That's sweet kaya."

"Oh edi sige sweet corn." Umiiling na sabi ko bago inistraight nang inom yung tubig na inabot n'ya dahil sa kilig ko.

Wahhhhh! Ang rupok kooooooo!

"Kumain ka kasi, para naman akong walang kasama." Sabi ko sabay subo noong fries pero hindi ko 'yun diniretso. Paunti-unti lang habang kagat ko.

I was shocked when Ralph lean closer to me. Sobrang lapit ng mukha n'ya at walang ano-ano ay he also took a bite on the fries na kinakain ko. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa malapit n'yang mukha. My eyes trailed his soft hair, sparkling eyes, pointed nose and down to...his kissable lips...

Napalunok ako habang pinagmamasdan s'ya. Lumayo s'ya ng one inch para ngumuya at lunukin yung fries.

Damn! His Adam's apple is killing me!

"Masarap pala yung fries?" Sabi n'ya at tangkang lalapit nanaman sa akin dahil hindi ko na nagawang kainin yung fries na nasa bibig ko parin ngayon. I was very petrified at that moment. He's getting closer to take a bite again at the almost swallowed fries sa bibig ko when...

"OUCHHHH!!!!!"

Sigaw ni Ralph noong kumuha ako ng fries at iyon ang ipinasak sa bibig n'ya. Agad ko naman nilunok yung kagat-kagat ko na kanina pa hindi maubos.

Tinulungan na nga ako ni Ralph ay hindi parin ubos.

Sobra akong pulang-pula ngayon pero mas namumula yata si Ralph? Bakit nag-ouch ouch pa siya d'yan eh fries lang nama---

"Promise naman! Sa dinami-rami ng nakahain sili pa talaga?"

"Si-sili?" Napatingin ako sa kung saan ako dumampot at puro sili nga iyon.

"So-so-rryyyyyy!!!" Sabi ko at iniabot ang tubig sa baso.

"I-ikaw naman kasi kung ano-anong kalokohan mo." Sabi ko pa na hindi alam ang gagawin para mawala yung anghang.

"Lalo lang umanghang." Sabi ni Ralph na nagpapanic na at niluwa yung pinangmumog n'ya na tubig.

"W-wait! Punta lang ako sa locker may sterilized milk ako roon." Sabi ko sabay talikod. Paalis na ako nang bigla s'yang tumayo at hilahin ako.

He held both my hands looking at me intently pero parang gusto ko matawa kasi pulang pula s'ya.

He looked up at the sky as the eclipse is about to end. Unti-unti nang naaalis ang pagkakatakip ng anino ng mundo sa buwan.

"I like you... No, I love you... I really do..." Sabi ni Ralph pero natawa ako nang paypayan n'ya ang bibig n'ya dahil sa anghang.

"I-I like you too..." Sabi ko at nahihiyang yumuko.

"I like you lang?" Sabi ni Ralph as he held my chin for me to face him.

"I-I-i-ay..." Hindi ko masabi-sabi dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"What? Ano 'yon Promise?"

"Ralph... I love you too..."

Kahit anghang na anghang ay dinaig iyon ng matatamis n'yang ngiti.

"Ku-kunin ko na yung milk sa locker." Sabi ko at tatakbo na sa sobrang hiya but then he grabbed my arms hanggang sa...

He's now kissing me under the moon habang unti-unting nililisan ng anino ng mundo ang kabilugan ng buwan.

Hindi naman sinabi agad, kiss lang pala gamot sa anghang. Charotttt!

-Pencilinfinity8-

Please vote my dearest Infinities!

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now