Chapter 35: Revelations

53 12 0
                                    

POV: MAYA

After kong mapaalis sa Orion Academy ay hindi nalang ako basta tatahimik. My sister tried prisoning me in our mansion buti na lamang at uto-uto ang mga bodyguard na itinalaga n'ya, kaunting pera lamang ay mga bumigay na. Since then, lagi ko na silang sinusubaybayan, bawat kilos, bawat galaw. Nagmamasid ako ng hindi nila nalalaman at bumubuo ng plano para makuha ang aking kagustuhan. Mapapasaakin si Ralph at buburahin ko sa mundong ibabaw ang sino mang hahadlang. The good thing is my sister has a soft spot on me, she doesn't tell everything to Dad dahil ayaw n'ya raw na lumayo lalo ang loob ko sa Daddy namin not knowing na I can't see him as my Dad anymore.

"Bring my sister to me." Utos ko at agad namang sumunod ang mga tauhan sa akin na noon ay mga tagasunod ng ate ko. Mula sa mga naipon ko na pera na ibigay ng daddy namin ay nagawa kong manipulahin ang mga tauhan sa mansyon. Ngayon, ako naman ang susundin nila.

"Maya please makinig ka sa akin, itigil mo na ang kahibangan mo. Ralph is not for you Maya. Marami pang iba d'yan na pwede mong magustuhan."

"Oh shut up! And don't call me Maya anymore. I am now Scarlett Maria. The princess of the Wings Mafia Org. And you? Bridgette Yvonne? will now be just one of my toys to play with. AHHAHAHAHAHA!"

"I'm your sister, please don't do this to me May-"

"I SAID I AM SCARLETT MARIA!" Sigaw ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Simula ngayon ay ako na ang mamamahala sa Wings Mafia Org at hindi na s'ya. Matagal na akong nagtitimpi sa kanya. Now it's my time to shine. Sabihan ba naman na kailangan ko ng psychiatrist? Hindi ako baliw HAHAHAH! HINDI!"

"May- S-Scarlett Maria... please..." Pagmamakaawa sa akin ni Bridgette pero huli na ang lahat. Hindi ko na s'ya itinuturing na kapatid. Wala na akong kapatid.

"Madam, parating na po ang daddy n'yo. Ano pong gagawin natin?" Sumbong sa akin ng isa sa mga tauhan ko.

"Itago n'yong mabuti is Bridgette. Make sure na hindi s'ya makakagawa ng ingay." Utos ko sa tauhan ko. Magsasalita pa sana si Bridgette nang sampalin ko ito ng malakas na bumakat halos ang mga palad ko sa kanyang mukha. Inalis ko ang scarf na nakapulupot sa leeg ko at ginamit iyon para busalan s'ya."

"h-mmppp! hmmppp!" Pinipilit n'yang magsalita sa kabila ng takip sa bibig. Pilit na pumapalag sa pagkakakaladkad sa kanya ng mga tauhan ko pero wala na s'yang magagawa. Everything is under my control now.

"Hi Daddy!" Masayang bati ko sa kanya and I hugged him kahit sukang suka ako sa tuwing naaalala ko kung gaano n'ya kapaborito si Bridgette sa aming magkapatid.

"How are you my beautiful daughter, did you eat already?" Not yet, Sabay na tayo Daddy and guess what? Bati na kami ni Bridge-- I mean ni ate. Pumayag na ako sumama sa kanya para magpatingin sa psychiatrist. Hindi naman kasi talaga ako baliw diba Daddy?"

"Yes sweetie, but you need to go there dahil nabalitaan ko na nataas nanaman ang anger issues mo, that's bad. Look, napaalis ka tuloy sa school mo."

"Hindi bale, makakabalik rin po ako roon kapag gumaling na ako kung may sakit man ako kagaya ng sinasabi ni ate. Tara na Daddy kain na tayo, dinner is ready." Sabi ko at kinuha ko ang dala n'yang suitcase pati na rin ang coat n'ya.

"Wow! what a feast! Did you prepare all of these? Anong meron?"

"Just a simple celebration daddy dahil 1 month ka rin nawala for business trip eh, hindi mo tuloy nakita kung gaano ako ka good girl." My father laugh at me. Ipinaglagay n'ya na ako ng mga pagkain sa plato ko at ganun rin ang ginawa ko.

"Okay! Kain na!" I was about to take a spoon of rice when my dad stop me.

"Wait. Where's your sister?"

Chasing Promises (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu