Chapter 4: Part 1-Debut

178 42 0
                                    

POV: PROMISE

Ilang linggo na rin simula noong lumipat dito sa dorm si Hazel. Tinatawagan s'ya nang daddy n'ya pero hindi niya sinasagot. Kapag pinupuntahan naman s'ya sa campus ay tinataguan n'ya lang ito. Nag-decide s'ya na aalis na sa dorm and doon na raw s'ya mag-stay naman kila Rubie for one week bago s'ya magsarili at humanap nang sariling dorm wala na kasing bakante dito sa sa'min. Pero bago daw ako umalis ay tutulungan n'ya ako for the preparation of my debut dahil baka magjeans lang daw ako. Well hindi rin naman ako pababayaan nang parents ko dahil kukuha sila ng venue and event organizers daw para sa debut ko.

"Hazel ito nga pala yung mga invitations, pwede n'yo ba akong tulungan ni Rubie sa pamimigay mamaya sa mga classmates natin?"

"Oo naman Promise, no problem hahaha, patingin pala nang picture mo d'yan baka na jeans ha?" pang-aasar ni Hazel.

"Oh ito saka ayan narin pamimigay mamaya." sabay abot ko nang mga invitations.

"Lintika ka Promise! Bukas na pala ito, kailangan beauty rest na tayo ngayon tapos papasok ka pa?" gulat na tanong ni Hazel

"Bukas nga, eh gabi pa naman 'yun kaya makakapagpahinga pa ako sa morning til hapon."

"Duhhhh, syempre umaga palang dapat nagagayak ka na no." sabi ni Hazel

"Sus maggo-gown lang naman at konting make-up, okay na 'yun atleast nagdebut.!" walang interes na sagot ko na akala mo eh normal lang ang araw ko bukas.

"Ewan ko sa'yo, basta dapat bongga ka tommorow, malay mo isayaw ka roon ni Prince Charming mo."

"Duhhh, hindi sa akin uso 'yun no, prince charming? wala ako non. Tara na nga malate pa tayo, dadaanan pa natin yung dalawa." Sabi ko at naglakad na kami papunta sa dorm nila Ralph and Vince. Kakatok palang ako nang biglang bumukas na yung pinto.

"Oh Promise, ano plano na bukas birthday girl?" Nakangiting tanong ni Vince. Maya maya pa ay nasa likod n'ya na si Ralph. Ibinato ko naman sa kanila ang invitation at natatawang sinalo iyon.

"Ayan invitation basahin mo." Sabi ko at namula nang maalala ang nakasulat doon. Mommy ko naman nagawa non sabi ko bahala na s'ya.

"Shet si Ralph last dance mo tapos ako sa 18 gifts?" Kunot noong tanong ni Vince.

Napatingin sa akin si Ralph at nakipagtitigan naman ako sa kanya.

"Oooppsss matunaw kayo d'yan." sabi ni Hazel para bumalik ako sa ulirat.

"Sabi ko kasi sa Mommy ko s'ya na bahala, hindi ko alam nga bakit andyan kayo lalo na sa mga isasayaw ko sabi ko mga cousins ko nalang and si Daddy and Titos kasi baka mamisinterpret." pagdepensa ko naman.

"Okay lang sana sa akin sa 18 roses hahaha" tawa ni Vince pero medyo mahina. "Wala ako pangregalo eh hahaha" bawi n'ya na ikinailing ko lang.

"Okay lang sa akin." sabi ni Ralph at saka naglakad na at umuna.

Anyare dun? Anong okay? Ewannnnn!!! Sumunod na rin naman kami.

Narito na kami sa room at kasalukuyang namimigay nang invitation. Pati ibang professors namin ay binigyan ko na rin.

"Favorite mo talaga purple no Promise? eh ang itim ko tapos purple motif mo hahaha." Natatawang reklamo nang isa sa kaklase ko.

"Sorry na, si Mommy nagplano nang lahat, ayaw ko nga sana magdebut dinner out lang okay na sana sa akin."

"Hindi pwede 'yun, nasa debut ang truelove hahahha, sino pala last dance mo sa 18 roses? S'yempre special someone 'yun."

"Ha a-anong s-special?" nauutal na tanong ko dahil napalingon bigla si Ralph

Chasing Promises (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon