Chapter 26: Scarlett Maria

84 18 8
                                    

Trigger Warning: This chapter contains act of violence, killings and death. It is needed for character's portrait thus we are not promoting this unlawful act. Readers discretion is advised.

POV: VINCE

Eto ako ngayon at hinihintay na matapos magbihis si Abi. Kanina pa ay hindi parin nakakalabas labas ng locker room.

"Abi matagal ka pa ba?"

"Si-sino bang may sabi na sumunod ka rito at antayin ako?"

"Wala?"

"O-o eh-eh w-wala naman p-pala eh."

"Teka nga? Kanina ka pa d'yan sa loob ah. Bakit pati nauutal ka d'yan?" Kinatok katok ko naman yung yung pintuan at bigla s'yang tumili.

"Ahhhhh!!! Sige katukin mo pa, paalis na s'ya!!!" Sigaw ni Abi.

"Sinong s'ya?" Takang tanong ko at kinatok muli ang pinto.

Maya maya pa ay lumabas si Abi at nakahinga ng maluwag. Napansin n'ya na nagtataka akong nakatingin sa kanya.

"M-may ga-gagamba kasi. Hindi ko mabuksan yung pinto kasi nandoon mismo sa doorknob." Sabi n'ya sabay iwas ng tingin.

"Pfftttt hahahaha!" Hindi ko napigilan at natawa ako sa expression n'ya.

"Ba-bakit ka natatawa? Hindi ka ba takot sa gagamba ha?" Namumula na tanong ni Abi.

"Ang cute mo kasi." Sabi ko at tinakpan n'ya na ang mukha n'ya ng mga palad n'ya. She's covering her face pero kita ko ang tainga n'ya na namumula.

Bigla rin akong napatakip ng bibig ko dahil sa nasabi ko. Dapat ay sa isip ko lang iyon.

"Tigilan mo ako Vince. Hindi mo ako makukuha sa ganyan. Tigilan mo na ako kung hindi mo ako gusto pwede?"

"Paano kung gusto ko na?"

"A-ano? E-wan ko sa-"

"Paano kung gusto na kita? Gusto na kita? Hindi pala, Paano kung matagal na kitang gusto?"

Dahan dahan n'yang inalis ang kamay n'ya sa pagkakatakip sa mukha n'ya. She's very serious now while looking at me.

"Gustooo ko nang bumitawwwww aaahhh ahhhhhaaawww!" (Abi singing na parang baliw)

"What the?" Biglang kumanta si Abi sabay kumaripas ng takbo.

Month's had passed and tuloy parin ang pagsuyo namin ni Ralph sa babae namin. Ang matatatag na sina Abi at Promise. Sana naman bumigay na sila, masyado ng napapahiya ang kagwapuhan ko eh.

Someone's POV

Hindi ko dapat ginagawa ito. Alam ko na mabubuti silang tao. But how am I going to neglect that person if my father's life depends on this task na ipinagagawa sa akin.

Narito ako ngayon sa isang abandonadong gusali. Sa lugar na ito pansamantalang ikinukulong ang mga nagkakasala na mafia bago ipatapon sa Isla. Isla kung saan kapag dinala ka ay hindi ka na makakaalis pa.

Naririnig ko ang bawat hiyaw ng mga pinaparusahan. Kaliwat kanan ang iyak na maririnig dahil sa sakit na nararamdaman nila. Mayroong pinapaso ng bakal na kulay pula sa sobrang init. I heard someone's screaming beside me. Nilalatigo naman ito at bubuhusan ng likido na nakakapagpatindi sa hapdi ng mga sugat.

This is very wrong. I am like a mess messing with other people's life na wala namang ginagawa sa akin na masama.

Dumiretso ako kung saan nakakulong ang tatay ko.

"D-dad!!!" Sigaw ko nang makitang pinagtutulungan s'yang bugbugin ng mga bantay roon. Alam ko na mga bantay sila dahil sa mga suot nilang may tatak na pakpak ng ibon na logo ng Wings Mafia Org.

Agad kong hinila ang isa roon at sinipa ng malakas sa sikmura dahilan para mapadaing at mapaupo sa sahig.

"LET GO OF HIM!!!" Sigaw ko at natuon sa akin ang atensyon nila. Binitawan nila ang bugbog sarado kong ama. May isang kumuha ng baseball bat sa gilid. Sumugod ito sa akin at nang ihahampas na sa akin ang bat ay may narinig kaming putok ng baril. Natigilan ang lahat upang alamin kung saan iyon nanggaling. Ang lalaking sumugod sa akin ay bigla nalang natumba. Siya ang puntirya ng bala. Tumulo ang dugo sa kanyang noo at humandusay na nakadilat ang mga mata.

Sa likuran n'ya ay naroon ang salarin. Si Scarlett Maria... That's her codename under mafia organization.

"Usapan natin na gagawin ko ang inuutos mo and you will protect my father. LOOK AT MY FATHER! GET HIM A DOCTOR NOW!!!" Galit na sigaw ko habang inaalalayan ang ama ko na halos hindi na makakilos. Tinanggal ko ang ducktape sa bibig n'ya at mahigpit s'yang niyakap.

"So-so-rry, I'm so-so-rry my son. Noon palang dapat ay hindi na ako sumali rito. Pa-patawad..."

"No, no Dad. It's not your fault. Alam ko na hindi mo tinraydor ang grupo. Hindi ikaw ang pumatay sa tatay ni Scarlett na pinuno ng grupo na ito." Sagot ko rito. Alam ko na may nagset-up sa kanya at aalamin ko iyon.

"So dramatic...Awww." Sabi ni Scarlett na tinitigan ko ng masama. Alam kong sangkot s'ya sa lahat ng masasamang gawa ng grupo. It's not like this before. Ang Mafia Org na ito ay matulungin at maprinsipyo. Hindi nananakit ng mga inosenteng tao. Mapapalabas ko rin ang tunay na kulay mo sa ibang board members Scarlett Maria...

Namatay ang ama ni Scarlett at bigla nalang pinatalsik ng mga board members ang aking ama matapos n'yang magpameeting sa company na pag-mamayari nang organisasyon na kina-aaniban namin. Ipinatapon ang ama ko rito upang parusahan bago dalhin sa Isla. Ngunit naki-usap ako na huwag s'yang saktan at palayain kapalit ng isang utos.

"Ma-mamaya ko ibibigay ang impormasyon. Please get a doctor for my dad."

Sinenyasan n'ya ang mga tauhan n'ya at kumilos ang mga ito para tulungan ako sa pag-alalay sa ama ko.

"Tara sa clinic ni Madam." Sabi ng isa. Sila na ang nagdala sa aking ama at naiwan ako para sa impormasyon na hinihingi ni Scarlett.

"Hindi ba at sabi ko na lahat na ay saktan n'yo, paglaruan n'yo, pahirapan n'yo o patayin ninyo kung gusto n'yo, pero huwag ang isang iyon. Ni isang galos ay dapat na wala!!" Sigaw ni Scarlett na umalingawngaw sa buong gusali.

"Humilera kayo!" Sigaw ni Scarlett at bakas ang takot sa mga mukhang humilera sila.

"Spill the tea." Sabi ni Scarlett habang naglalakad na kami. Sabay taas ng kamay na animo ay may sinenyasan.

Maya-maya ay pinagbabaril ng mga bodyguard n'ya ang nakahilerang mga bantay na mga sangkot sa pambu- bugbog sa ama ko.

Hindi na s'ya tao...

Third Person's POV

Isang babae ang pumasok sa isang convenience store. Masaya itong patakbo-takbo palabas habang tila isang bata na enjoy na enjoy sa pagkain ng ice cream na hawak niya.

Sa pedestrian lane ay tumigil s'ya sandali bago tuluyang tumawid. Tumingin ito at sakto naman ang stop light. Pakanta-kanta na tumatawid ng bigla na lamang.

(Sound of car screeching due to over speeding)

"BLAGGG!!"

A deafening sounds and thuds to the stalls na mga nababangga ng itim na kotse.

Tumilapon ang ice cream nang babae kasabay ng pagkabundol sa kanya. Mabilis na nag U-turn ang sasakyan na itim at agad na humarurot paalis matapos s'yang banggain...

Habang sa gilid ay may nakamasid at nakokonsensya...

Patawad...

-Pencilinfinity8-

Don't forget to vote Infinities!

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now